top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Pasaway na motorista sa bike lane, sampolan na

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 22, 2023
  • 1 min read

@Editorial | August 22, 2023


Sinimulan na kahapon ang panghuhuli sa mga pasaway na motorcycle rider na dumaraan sa bike lane sa EDSA.


Ang mga rider na mahuhuli ay pagmumultahin ng P1,000 ng mga tauhan ng Metro Manila Development Authority (MMDA).


Napakarami raw kasing mga rider ang nasa designated bike lane at kung minsan maging ang mga motorista ay sa bike lane na rin dumaraan kaya halos hindi na magamit ng mga nagbibisikleta ang lane na para sa kanila.


Ipinaliwanag ng MMDA na ang mga bike lane ay hindi fast lane ng mga motorista kaya hindi dapat daanan.


Sa ngayon ay wa-warningan muna ang mga motorista na lalabag at tatagal umano ng isang linggo ang pagpapaalala ng MMDA.


Ang pagsunod sa batas-trapiko ay hindi lamang nakakabawas ng trapik, maiiwasan din ang disgrasya.


At sa mga walang disiplina at paulit-ulit pa ring lumalabag, nararapat nang sampolan at patawan ng parusa.


Sa panig naman ng mga manghuhuli, tiyakin nating maipatutupad ang batas sa lahat.


Huwag magpapasindak sa mga kapalmuks na motorista, hangga’t alam natin ang batas na ating ipinasusunod, walang dahilan para matakot.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page