top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Pasaway na may-ari ng kolorum na sasakyan, nasampulan

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 3, 2024
  • 2 min read

ni Ryan Sison @Boses | Pebrero 3, 2024


Umabot sa P17.4 milyong multa ang nakolekta mula sa mga hindi rehistrado o kolorum na sasakyan sa isinagawang inter-agency campaign ng pamahalaan. 


Ayon sa Department of Transportation (DOTr), nagpataw ng multa ang Special Action and Intelligence Committee for Transportation (SAICT), na dating Inter Agency Council for Traffic (I-ACT), sa 44 na kolorum na mga sasakyan simula January 6 hanggang January 31.


Sinabi rin ng DOTr na ang mga violators ay pinagbayad ng P200,000-multa sa kada van, habang P1 milyon naman sa kada bus.


Tinatarget kasi ng naturang anti-colorum campaign, na ipinatutupad ng SAICT sa pakikipagtulungan ng Philippine Coast Guard (PCG) at Land Transportation Office (LTO), ang mga hindi awtorisadong public utility vehicle (PUVs), kung saan layunin din nilang matiyak ang kaligtasan ng mga motorista, komyuter, pedestrian, at lahat ng gumagamit ng ating lansangan.


Ipinahayag pa ng DOTr na inaasahan na rin nila na mas marami pang illegal at unregistered vehicles ang malalantad habang nagpapatuloy ang kanilang pagpapaigting sa kampanya.


Malaking tulong sa pamahalaan ang nakolektang multa mula sa mga pasaway na may-ari ng kolorum na sasakyan.


Ang halagang nakuha at makukuha pa ay puwedeng magamit nila sa pagpapabuti ng sektor ng transportasyon habang mapapalakas din ang kanilang polisiya sa pagpaparehistro ng mga sasakyan.


Sana, doon talaga mapunta ang milyong pisong makokolekta ng kagawaran at magamit nila sa tama, at hindi sa kung saan lang para naman totoong magbigay ng pakinabang ito sa mga mamamayan.


Sa mga pasaway nating kababayan, gawin na sanang iparehistro ang inyong mga behikulo para hindi na rin kayo mahirapan sa pagbabayad ng napakalaking multa habang maayos pa ang mga dokumento ng inyong sasakyan.  

 

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page