Pasaway, mga tumutulong, nakonsumi… JOHN, 'DI PA MAGALING, NAGPUMILIT LUMABAS NG OSPITAL
- BULGAR

- Aug 13, 2020
- 1 min read
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | August 13, 2020

Ilang araw pa lang na napasok sa National Kidney Transplant Institute si John Regala ay nagpumilit nang lumabas at bumalik sa dati niyang tinitirhan. Hindi pa siya ganap na magaling at ginagamot pa ang sakit niyang liver cirrhosis.
Bagama't bumalik na ang sigla ni John at nakakain na at nakakapaglakad-lakad, wala pang go signal ang mga doktor na puwede na siyang lumabas ng ospital.
Kaya naman ang mga kaibigang artista na tumutulong sa aktor tulad nina Nadia Montenegro, Chuckie Dreyfus, Aster Amoyo atbp. ay hindi na rin alam ang gagawin sa pasaway na si John Regala.
Paano na kung muling sumumpong ang sakit niya? Hindi na ba binigyan ng importansiya ni John ang effort ng mga kaibigang sama-samang tumulong sa kanya?
Dapat pahalagahan ng aktor ang kanyang kalusugan. Masuwerte siya na maraming gustong tumulong sa kanya upang gumaling at magkaroon ng panibagong buhay. Paano na kung magsawa na rin ang kanyang mga kaibigan sa pagtulong?





Comments