top of page
Search
  • BULGAR

Pasahero ng EDSA Bus Carousel, nakuhanan ng ice pick, tiklo

ni Lolet Abania | July 13, 2022




Isang lalaki ang nadakip ng mga awtoridad nang makuhanan ito ng ice pick, ilang patalim at sumpak sa loob ng EDSA Carousel bus, ngayong Miyerkules.


Batay sa ulat, isinumbong ng isang pasahero sa mga tauhan ng Inter-Agency Council on Traffic (I-ACT) ang isang lalaki na nasa loob mismo ng bus ang kahina-hinala umanong kilos nito.


Ang bus na kanilang sinasakyan ay nakahinto habang nag-aabang ng mga pasahero sa EDSA busway sa Monumento Station.


Nang akyatin ng mga operatiba ng I-ACT ang bus at i-check ang lalaki, nakitaan ito na may dalang ice pick.


Agad na hinuli ng mga tauhan ng I-ACT ang lalaki, habang nai-turnover na rin nila ito sa pulisya.


Bukod sa ice pick, nakuha rin mula sa lalaki ang ilang patalim, lighter at sumpak.


Wala namang naging pahayag ang suspek.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page