Parusa talaga ang taas-presyo ng petrolyo
- BULGAR
- Feb 23, 2022
- 1 min read
ni Ka Ambo - @Bistado | February 23, 2022
BUMABA nang todo ang bilang ng nagkaka-COVID-19
Mainam naman!
◘◘◘
NILALANGAW ang massive vaccination.
As expected!
◘◘◘
MAE-EXPIRE lang ang mga COVID-19 vaccine this year.
Pustahan tayo!
◘◘◘
MASYADONG mabagal ang imbestigasyon sa mga nawawalang sabungero.
Alam n'yo na this?
◘◘◘
MARAMING parak ang adik sa online sabong.
Waley aksiyon ang PNP.
Bakit?
◘◘◘
BAKIT hindi pa naghahanda sa 100 percent face-to-face classes?
Mabagal talaga ang mga kolokoy!
◘◘◘
NAIINIP na ang mga tatay at nanay na nagtuturo sa mga anak.
Pagod na sila sa kakokopya sa module ng kapitbahay!
◘◘◘
WALA bang additional incentives ang mga titser na ipinagagamit ang pasilidad ng sariling bahay bilang klasrum?
Unfair sa mga titser na walang ayuda ang iskul!
◘◘◘
MATUMAL pa rin ang public transport dahil sa work-from-home.
Parusa rin ang sobrang taas ng presyo ng petrolyo!
◘◘◘
BUMALIK ang matinding trapik.
Pero, bakit wala pa ring kita ang mga tsuper?
◘◘◘
MAHINA rin ang delihensiya ng mga mangongotong.
Krisis din ang mga korap sa kalye!








Comments