Parusa sa trespassing
- BULGAR
- Dec 9, 2022
- 2 min read
ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | December 9, 2022
Dear Chief Acosta,
Kamakailan ay bigla na lang pumasok sa aming bahay ang ex-boyfriend ng aking kapatid at galit na hinahanap ang aking ate. Kahit sinabihan ko na siyang wala sa loob ang aking ate ay dumiretso pa rin siya at pumasok sa loob. Katumbas ba ng trespassing ang kanyang ginawa? - Maddie
Dear Maddie,
Para sa iyong kaalaman, ang batas na nakasasaklaw sa iyong katanungan ay ang Section 2, Article 280 of the Revised Penal Code kung saan nakasaad na:
“Art. 280. Qualified trespass to dwelling. — Any private person who shall enter the dwelling of another against the latter's will shall be punished by arresto mayor and a fine not exceeding 1,000 pesos.
If the offense be committed by means of violence or intimidation, the penalty shall be prision correccional in its medium and maximum periods and a fine not exceeding 1,000 pesos.
The provisions of this article shall not be applicable to any person who shall enter another's dwelling for the purpose of preventing some serious harm to himself, the occupants of the dwelling or a third person, nor shall it be applicable to any person who shall enter a dwelling for the purpose of rendering some service to humanity or justice, nor to anyone who shall enter cafes, taverns, inn and other public houses, while the same are open.”
Ayon sa batas, hindi maaaring pumasok ang sinuman sa tahanan ng ibang tao, lalo na’t walang pahintulot ng may-ari ang pagpasok. Dahil bigla na lang pumasok ang ex-boyfriend ng iyong kapatid sa inyong pamamahay nang walang paalam, kahit sinabi mo na wala ang iyong ate ay maaari siyang makasuhan ng trespassing.
Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.
Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.




Comments