top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Parusa sa paglabag sa “The Phil. Fisheries Code of 1998”

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 30, 2024
  • 3 min read

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | May 30, 2024



Magtanong kay Attorney ni Atty. Persida Acosta


Dear Chief Acosta,


Ang kabuhayan ng mister ko at ng kanyang tiyuhin ay pangingisda sa dagat. Ang mister ko ang nagsisilbing kapitan ng kanilang ginagamit na bapor, at siya ay may iba ring mga kasamahan na tumutulong sa kanilang pangingisda. Minsan ay nasabihan ang aking mister ng isang opisyal ng barangay na kailangan diumano niyang kumuha ng pahintulot mula sa gobyerno bago niya legal na maipagpatuloy ang kanyang pangingisda. Nais lang namin maliwanagan kung tama ba ang payong ito. Salamat sa inyo. -- Len



Dear Len,


Isa sa mga idineklarang polisiya ng ating Estado ay ang pagbibigay ng proteksyon sa ating mga likas na yaman. Kaugnay nito, ang kasagutan sa iyong katanungan ay matatagpuan sa Seksyon 86 ng Republic Act (R.A.) No. 8550 o mas kilala sa tawag na “The Philippine Fisheries Code of 1998,” na inamyendahan ng Republic Act (R.A.) No. 10654. Ayon dito:


Section 86. Unauthorized Fishing. – (a) It shall be unlawful for any person to capture or gather or to cause the capture or gathering of fish, fry or fingerlings of any fishery species or fishery products without license or permit from the Department or LGU.


Except in cases specified under this Code, it shall also be unlawful for any commercial fishing vessel to fish in municipal waters.


The discovery of any person in possession of a fishing gear or operating a fishing vessel in a fishing area where he has no license or permit shall constitute & prima facie presumption that the person is engaged in unauthorized fishing: Provided, that fishing for daily food sustenance or for leisure which is not for commercial, occupation or livelihood purposes may be allowed. xxx


Ang panghuhuli, pangongolekta, o paggawa ng anumang paraan upang manghuli o mangolekta ng mga isda ay maaari lamang gawin kung ang isang tao ay may lisensya o pahintulot mula sa Department of Agriculture (DA), o sa lokal na pamahalaan, upang gawin ito. Ang nasabing batas ay nilikha upang masigurado na ang pangingisda ay ginagawa lamang ng mga taong may lisensya o permit para rito, upang mabigyang proteksyon din ang ating mga tinatawag na fishery at aquatic resources sa bansa. 


Sa kadahilanan na ang ginagawang pangingisda ng iyong asawa ay para sa kanyang kabuhayan, nararapat na siya ay kumuha muna ng nasabing lisensya o pahintulot mula sa Department of Agriculture (DA) o sa lokal na pamahalaan, bago niya maipagpatuloy ang kanyang nasabing gawain.


Nais din naming ipaalam sa iyo na maaaring pagbayarin ng multa ang sinumang lalabag sa probisyon ng Republic Act (R.A.) No. 8550. Dagdag pa rito, kung magkakaroon ng paglilitis at mahahatulan ng paglabag sa probisyon ng nasabing batas ang isang tao, siya ay maaaring makulong ng anim na buwan, sang-ayon sa Seksyon 86 ng parehong batas kung saan nakasaad na: 


Upon a summary finding of administrative liability, the boat captain and the three (3) highest officers of the commercial fishing vessel and the owner or operator who violate this provision shall be penalized with confiscation of catch and gear, and an administrative fine of five (5) times the value of the catch or the amount indicated below, whichever is higher:


(1) Fifty thousand pesos (P50,000.00) to One hundred thousand pesos (P100,000.00) for small-scale commercial fishing;

(2) One hundred fifty thousand pesos (P150,000.00) to Five hundred thousand pesos (P500,000.00) for medium-scale commercial fishing; and

(3) One million pesos (P1,000,000.00) to Five million pesos (P5,000,000.00) for large-scale commercial fishing.


Upon conviction by a court of law, the boat captain and the three (3) highest officers of the commercial fishing vessel shall suffer the penalty of imprisonment of six (6) months and confiscation of catch and gear and twice the amount of the administrative fine.”


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.


Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page