Parusa sa pagbenta at pagkopya ng malaswang video o litrato
- BULGAR
- Nov 14, 2022
- 2 min read
ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | November 14, 2022
Dear Chief Acosta,
Sinabihan ako ng aking kaibigan na siya ay may ibinebentang videos ng kapitbahay niya na nagtatalik at may mga litrato rin siya nito. Nais kong malaman kung may nalabag ba na batas ang aking nasabing kaibigan? - Al
Dear Al,
Ang sagot sa iyong katanungan ay matatagpuan sa Section 4 (c) ng Republic Act (R.A.) No. 9995, na kilala bilang “Anti-Photo and Video Voyeurism Act of 2009”,na nagsasaad na:
“Section 4. Prohibited Acts. - It is hereby prohibited and declared unlawful for any person:
x x x
a. To take photo or video coverage of a person or group of persons performing sexual act or any similar activity or to capture an image of the private area of a person/s such as the naked or undergarment clad genitals, public area, buttocks or female breast without the consent of the person/s involved and under circumstances in which the person/s has/have a reasonable expectation of privacy;
b. To copy or reproduce, or to cause to be copied or reproduced, such photo or video or recording of sexual act or any similar activity with or without consideration;
c. To sell or distribute, or cause to be sold or distributed, such photo or video or recording of sexual act, whether it be the original copy or reproduction thereof; x x x”
Malinaw sa nasabing probisyon ng batas na hindi lamang ang pagkuha ng larawan o video na nagpapakita ng sexual act o pagtatalik nang walang pahintulot ng mga taong kasama rito ang ipinagbabawal ng batas. Bagkus, pati ang pagkopya at pagbebenta o pamamahagi ng mga ito ay ipinagbabawal din.
Sa iyong sitwasyon, hindi nabanggit kung mayroon bang pahintulot mula sa mga kasama sa video ang pagkuha at pagbebenta o pamamahagi ng video at litrato ng kanilang pakikipagtalik. Kung wala, paglabag sa Section 4 (c) ng R.A. No. 9995 ang pagbebenta ng kaibigan mo ng nasabing video at litrato ng kanyang kapitbahay. Nais namin ipaalam sa iyo na kung ang tao ay mapatunayang nagkasala, siya ay maaaring maparusahan nang naaayon sa Section 5 ng R.A. No. 9995.
Sana ay nabigyang namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa impormasyon na iyong inilahad at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring magbago ang aming opinyon kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.
Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.





Comments