top of page
Search
BULGAR

Parusa sa pagamit ng dinamita, nakakalasong kemikal sa pangingisda

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | August 7, 2024


Magtanong kay Attorney ni Atty. Persida Acosta

Dear Chief Acosta,


Matagal nang pangingisda ang kabuhayan ng mga tao sa aming bayan. May mga pagkakataon na mahina o halos wala silang nahuhuling isda. Dahil dito, naiisip nilang gumamit ng ibang pamamaraan tulad ng paggamit ng pampasabog para makahuli lamang ng mga isda na ibebenta sa palengke. Ito ba ay pinahihintulutan sa ating batas? Salamat sa inyong kasagutan.


– Huño

 

Dear Huño,


May mga uri ng paraan ng pangingisda na ipinagbabawal sa ating batas. Isa na rito ay ang paggamit ng mga pampasabog o iba pang mapaminsalang pamamaraan na pumapatay sa ating mga yamang dagat. Ang nasabing ipinagbabawal na paraan ay matatagpuan sa Seksyon 17 ng Republic Act (R.A.) No. 10654 o “An Act to Prevent, Deter and Eliminate Illegal, Unreported and Unregulated Fishing, Amending Republic Act No. 8550, Otherwise Known as ‘The Philippine Fisheries Code of 1998,’ and For Other Purposes”, na nagsasaad na:


Section 17. Chapter VI of Republic Act No. 8550 is hereby repealed and replaced with a new Chapter VI to read as follows:


“CHAPTER VIPROHIBITIONS AND PENALTIES

xxx xxx xxx


Section 92. Fishing Through Explosives, Noxious or Poisonous Substance, or Electricity. – (a) It shall be unlawful for any person to catch, take or gather or cause to be caught, taken or gathered fish or any fishery species in Philippine waters with the use of explosives, noxious or poisonous substance such as sodium cyanide, which will kill, stupefy, disable or render unconscious fish or fishery species: x x x 


The discovery of dynamite, other explosives and chemical compounds which contain combustible elements, or noxious or poisonous substances, or equipment or device for electrofishing in any fishing vessel or in the possession of any fisherfolk, operator, fishing boat official or fishworker shall constitute a prima facie presumption that any of these devices was used for fishing in violation of this Code.


The discovery in any fishing vessel of fish caught or killed with the use of explosives, noxious or poisonous substances, or by electricity shall constitute a prima facie presumption that the fisherfolk, operator, boat official or fishworker is fishing with the use thereof.”


Isa sa mga itinakdang polisiya ng ating gobyerno sa nasabing batas ay upang masigurado ang tamang paraan ng panghuhuli ng mga isda at maprotektahan ang ating yamang dagat. Kung kaya, may mga klase o paraan ng panghuhuli ng mga isda na ipinagbabawal ng ating batas. Isa na nga rito ang paggamit ng mga pampasabog o mga nakalalason na kemikal tulad ng sodium cyanide, sa panghuhuli, pangunguha o pagtitipon ng mga isda sa karagatan ng Pilipinas. 


Dagdag pa rito, nakasaad sa probisyon ng batas na ang pagkakadiskubre ng dinamita o iba pang uri ng pampasabog, o ng mga nakalalason na kemikal sa isang bangka ay magsisilbing patunay na ginamit ang mga ito sa ilegal na pangingisda alinsunod sa Section 92 ng R.A. No. 10654.

Kung susuriin ang nabanggit na batas bilang kasagutan sa inyong katanungan, maaaring masabi na isang paglabag sa batas kung gagamit ng pampasabog ang mga mangingisda sa inyong bayan upang makapanghuli ng isda. Kung sila ay mahuhulihan na gumagamit o nagmamay-ari ng pampasabog tulad ng dinamita, ito ay maaaring magamit laban sa kanila sapagkat puwedeng maituring na ginamit ang nasabing dinamita para sa ipinagbabawal na akto ng pangingisda. 

Nais din naming ipaalam na may karampatang parusa para sa sinuman na mapatutunayan na lumabag sa nasabing batas tulad ng pagpapataw ng multa o pagkakakulong alinsunod sa magiging hatol ng ating korte. 


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.


Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.










1 Comment


han gu
han gu
Aug 07

一个好的选题应当既符合课程要求,又能引起读者的兴趣。同时,选题应具有研究价值和可行性。在确定选题时,学生应当综合考虑自己的兴趣、学术背景以及现有资源。例如,如果课程要求撰写关于环境保护的Essay http://www.hotessay.net/our_service1.php ,学生可以选择探讨某一特定地区的环境保护措施及其效果。选题确定后,学生需要明确论文的研究问题和目的,这是撰写高质量Essay的基础。

Like

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page