top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Partylist at pork barrel, alisin na para may pambayad-utang

BULGAR
May 24, 2022
2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | May 24, 2022


DAPAT ISALPAK NI SALCEDA SA KANYANG KUKOTE NA "BAYAN BANGON MULI" ANG SLOGAN NI BBM AT HINDI BENTA PAG-AARI NG BAYAN – Iminungkahi ni Albay Rep. Joey Salceda kay BBM na ibenta ang mga ari-arian ng pamahalaan para daw makabayad sa malaking pagkakautang na iiwan ng Duterte gov't. sa Marcos gov't.


Mali ang advise na 'yan ni Salceda kasi kapag ginawa ni BBM na magbenta ng mga ari-arian ng pamahalaan ay baka batikos abutin niya (BBM) sa publiko, kasi ang slogan ni Marcos ay "Bayan Bangon Muli (BBM)" at hindi "Benta Pag-aari ng Bayan" o BPB, period!


◘◘◘


PARA MAY PAMBAYAD-UTANG, BUWAGIN ANG PARTYLIST SYSTEM AT TANGGALIN 'PORK' NG MGA SENADOR AT KONGRESISTA – Totoo na baon sa utang ang Pilipinas, higit P13 trilyon ang utang na iiwan ni P-Duterte sa June 30, 2022 sa Marcos gov't., at sa tantiya ni Salceda ay kailangan ng pamahalaan ng P326-B yearly na pambayad-utang sa mga financial institution sa mundo, pero mali talaga ang payo ng kongresista kay BBM na magbenta ng mga ari-arian ng pamahalaan para makabayad sa utang ng Pilipinas.


Ang dapat na i-advise ni Salceda kay BBM ay buwagin ang partylist system sa bansa at tanggalin ang pork barrel ng mga senador at kongresista, kasi kapag wala ng partylist at zero "pork" na ang mga lawmakers ay tiyak makakaipon ang gobyerno ng pambayad-utang ng Pilipinas, boom!


◘◘◘


HARRY ROQUE NAGPARAMDAM NA, GUSTONG MAGKAPUWESTO ULI KASI HANDA RAW SIYANG TUMULONG KINA BBM AT SARA – Ang sabi ni dating presidential spokesman at talunang senatorial candidate Harry Roque na kahit daw siya ay natalo sa halalan ay nakahanda pa rin daw siyang tumulong sa gobyerno nina incoming Pres. Bongbong Marcos at incoming Vice Pres. Sara Duterte.


Sa tema ng salitang 'yan ni Roque ay isa lang ang ibig sabihin n'yan, at ito ay nagpapansin siya kina BBM at Sara para magkaroon uli siya ng posisyon sa pamahalaan, boom!


◘◘◘


KUNG GUSTONG MAKAKOLEKTA NG TAMANG BUWIS, SANA WALANG SANTUHIN ANG BIR SA PANININGIL SA MGA MAY UTANG SA BUWIS – Inamin ni Sec. Carlos Dominguez ng Dept. of Finance na kapos daw ang naging koleksyon sa buwis ng BIR (Bureau of Internal Revenue) sa unang quarter ng year 2022 kasi ang target tax collection daw ay P532.6 billion, pero ang nakolekta lang ay P485.4-B.


Hay naku, eh sa totoo lang kakapusin talaga sa tax collection ang pamahalaan, kasi ang mga bigtime na personalidad sa bansa na may koneksyon sa gobyerno na may utang na buwis ay ayaw singilin ng mga taga-BIR.


Kung nais na makakolekta ng tamang buwis, dapat walang sinasanto ang BIR sa paniningil sa mga personalidad na may utang sa buwis, period!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page