top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Party now, hawahan later? ‘Wag naman!

BULGAR
May 18, 2022
2 min read

ni Ryan Sison - @Boses | May 18, 2022


Hindi na bagong kaganapan ang mga pagtitipon sa ilalim ng Alert Level 1.


Halos balik sa dating gawi. Nakakapagdiwang na ng mga piyesta at kung anu-ano pa.

‘Yun nga lang, sa sobrang saya ng ilan, tila nakakalimot na sa pandemya.


Kaugnay nito, huli sa akto ng mga barangay official ang isang grupo ng kabataan na nagsasagawa ng street party nang walang face mask sa Maynila.


Nabatid na nagdiwang ng piyesta ang mga ito noong Linggo ng gabi hanggang Lunes ng madaling-araw. Ang problema, dikit-dikit ang mga residente na pawang kabataan at walang suot na face mask habang nagsasayawan at nag-iinuman. Bagay na maituturing na paglabag sa health protocols.


Bagama’t pinapayagan ang pagtitipon base sa ibinabang utos ni Manila Mayor Isko Moreno na Batas Pambansa 880 noong nakaraang linggo, kailangang may permit ito mula sa lokal na pamahalaan.


Samantala, sinita ng mg opisyal ng barangay ang mga bata na nagkakatuwaan at pinauwi ang mga walang face mask. Paliwanag ng isa sa mga dumalo sa street party, ito ang unang beses na nakapagdiwang sila ng piyesta mula nang magkaroon ng pandemya.


Kung noon ay may palaro at mga contest, ngayon ay kani-kanyang sayawan at kainan na lamang umano ang mga residente.


Sabi nga, ibang-iba ang panahon ngayon. At bagama’t may mga pagluluwag, ‘di puwedeng abusuhin ang mga ito.


Hindi pinagbabawalan ang pagtitipon, pero sana, ‘wag tayong makalimot na may banta pa rin ng COVID-19. ‘Wag naman sana mangyari ‘yung “party now, hawahan later”.


Marahil, marami na sa atin ang nasanay dahil sa mga pagluluwag, pero gaya ng paulit-ulit nating sinasabi, hindi dahilan ito para makampante.


Higit sa lahat, pairalin ang disiplina, saanman tayo pumunta at anuman ang ginagawa natin dahil anumang sandali ay maaaring mambiktima ang sakit.

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.co

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page