top of page

Partner ni Barbie, trending… DAVID, CUTE LANG PERO SABLAY SUMAGOT, PINAGTAWANAN

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 6, 2023
  • 1 min read

ni Ambet Nabus @Let's See | January 6, 2023




Dahil sa maganda niyang performance sa Maria Clara at Ibarra bilang si Fidel, kyut na kyut ang aura ni David Licauco nang bumisita ito kamakailan sa Eat… Bulaga!.


Naglaro si David sa Pinoy Henyo kasama ang isang taga-MCI at aliw na aliw ang mga fans at nakapanood sa painosenteng hindi mabanggit ng guwapong aktor ang Tagalog term ng "cow."


Hanggang sa natapos ang oras ay paulit-ulit na iniisip ng binata kung ano ang Tagalog ng naturang salita.


Hagalpakan sa studio at nag-trending bigla si David sa socmed pero walang nag-bash dito sa matatawag na kapalpakan.


Alin, kung ibang artista 'yun, tiyak na kakantiyawan o tatawaging "bobo" dahil simpleng Tagalog na salita ay hindi nito alam.


Pero sadyang iba nga ang naibigay na kasikatan at dagdag-pogi points kay David ng Fidel role niya sa MCI.


Nabuhay nga uli ang pagka-crush namin sa kanya, Ateng Janiz, at wish naming kami na lang si Barbie Forteza bilang si Binibining Klay, hahahaha!!!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page