Parking area pa lang, kasya ang 100 na sasakyan…

SIGAW NI SHARON: BAGONG BAHAY NAMIN, KAKAYANIN KAHIT INTENSITY 10 NA LINDOL!
Julie Bonifacio - @Winner | February 12, 2021

Ipinasilip ni Megastar Sharon Cuneta ang ongoing construction ng tinawag niyang "forever home" nila ng mister niyang si Sen. Francis "Kiko" Pangilinan at mga anak sa kanyang Instagram account kahapon.
Looking at the short video, magugulat ang nakapanood sa laki ng lupang tinatayuan ng bahay (o building?) ni Megastar.
Basement parking pa lang ang ipinakita niya sa video, pero tumagal nang halos 15 seconds ang pag-andar ng camera capturing the entire lot.
And take note, half pa lang pala 'yun ng buong bahay ni Mega, hah? Kaya napa-wow na lang ang mga IG followers at netizens sa video-post niya.
Living to her title talaga si Sharon, pati bahay niya, 'mega' rin sa laki! Kaya sa tingin ko, ang dapat itawag sa bahay ni Sharon ay 'forever mega home.'
“Basement parking in our forever home halfway done! It’s under half the whole house. Am so excited that we’re moving forward," panimula ng caption ni Mega sa kanyang video-post sa IG.
Nagsimula raw ang construction ng bahay ni Mega nu'ng August last year. Pagkatapos, nag-Christmas break pa raw last December.
“My contractor said about two months ago when I asked him when he thought they would finish building that he would try his best to be done in a little over two years. I hope tapos na 'yung ‘a little over,’ pero I know hindi pa!"
Kuwento pa ni Mega sa caption niya, "But basta, super-tibay at magaling ang pagkakagawa at pulido, mabilis lang siguro naman din lilipas ang two years. Sana din, wala nang pandemya noon! Galing my workers. Everyone just works and works and in such an organized manner!"
Bilib si Mega sa kanyang contractor at magaling daw. Special mention din niya na magaling din ang nag-design ng bahay niya na si Architect Conrad Onglao, ang partner ni Zsa Zsa Padilla.
"Praying all goes well 'til the end. Kakayanin daw ng bahay namin kahit lindol na intensity 9-10! Thank God talaga," pagtatapos ng caption ni Mega.
Sa laki ng basement parking ng ipinapatayong bahay ni Mega, for sure, 'di lang mga sasakyan niya at ng kanyang buong pamilya ang puwedeng pumuno noon, 'di ba?
Sa lawak, mukhang more than 100 cars can fill the whole parking area!
Kaya feeling namin, it's not just Mega's forever home. Probably, it's a huge condominium building and certain floors, especially the penthouse, will be exclusive lang for Mega and her family.
By the way, sunud-sunud din ang posts ni Mega after ng video niya ng basement parking ng kanyang 'forever mega home' sa IG yesterday sa mga kaganapan sa pagbabalik niya sa ABS-CBN para sa pictorial at teaser shoot ng Your Face Sounds Familiar last January 24.
Kasama ni Mega as jurors sa show sina Ogie Alcasid at Gary Valenciano na parehong nandoon.
Ka-join din ni Ogie ang misis niyang si Regine Velasquez kaya nagkatsikahan ang dalawang music icons during the pictorial.
Sa comment section ay may nag-react na netizens dahil sa pagsasama nina Mega at Regine matapos mapabalitang nagkaroon ng direct contact with a covid positive person ang Asia's Songbird.
Say naman ng ibang netizens-supporters nina Mega at Regine, nagkita ang dalawa bago pa man nagkaroon ng contact si Songbird sa isang covid-19 positive.
So, there.





Comments