ni Rensel Sabando - Trainee @Entertainment | February 13, 2024
Magkahalong saya, kaba at excitement ang nararamdaman ng K-superstar na si Park Hyung Sik nu'ng siya’y ma-interview para sa darating niyang Asia Tour Fan Meet na tinaguriang “SIKcret Time in Manila” sa February 17, 7 pm sa Smart Araneta Coliseum.
Ayon kay Hyungsik, “I have prepared a lot to have a great time with my fans. So, I hope you guys can expect to have a great time with me,” sagot niya sa kamakailang virtual group chat with his fans.
Matagal na mula nang huli siyang bumisita sa Pilipinas kaya umaasa ang aktor na maraming mga fans niya ang pupunta sa nasabing fan meet.
Last 2019 pa nang bumisita ang aktor sa Pilipinas kaya excited din ang mga fans sa kanyang pagbisita muli sa bansa.
Bagama't dati na niyang nakilala ang kanyang mga tapat na Pinoy followers, na sinusubaybayan ang mga pinakabagong pangyayari sa kanyang karera sa pamamagitan ng social media at sumusuporta sa kanyang trabaho, "Sobrang kaba ang nararamdaman ko ngayon," ibinahagi niya, na nagnanais na mag-scuba dive sa bansa kung bibigyan ng anumang pagkakataon dahil isa ang Pilipinas sa magagandang lugar para sa mga aktibidad katulad ng scuba diving.
Dagdag ni Hyung sik, “The memory I have of the Philippines is that the fans are very passionate. The food was really nice. The weather was perfect as well. I actually got the feeling that I would not like to go back to Korea. So, I’ve had good memories of the Philippines.”.
Sa ngayon, ang kanyang 16-episode na drama na pinamagatang "Doctor Slump" ay streaming na sa Netflix, pati ang sikat nilang cameo ni Park Bo Young sa “Strong Girl Nam-Soon.”
Sa seryeng Doctor Slump na still ongoing, gumaganap si Park bilang isang napakatalinong doktor na nagkataon na muling nakipagkita sa kanyang karibal sa paaralan na ngayon ay isa na ring magaling na doktor. Parehong humaharap sa "pinakamasamang pagbagsak ng buhay" at nakahanap ng "kaaliwan sa isa't isa.
Kasalukuyang hawak ng palabas ang No. 1 na puwesto para sa nangungunang Top 10 na mga palabas sa TV sa Netflix sa 11 bansa, kabilang ang Pilipinas.
Comments