top of page

Akala naka-jackpot, laglag… HIDILYN, NAG-ENDORSO NG KALABANG BRAND, FREE FUEL, STOP NA!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 1 hour ago
  • 3 min read

ni Ambet Nabus @Let's See | March 14, 2026



Hidilyn Diaz

Photo: File / Hidilyn Diaz



Sa inilabas na official statement ng Phoenix Petroleum Company, tila nalagay sa hindi kagandahang posisyon si Hidilyn Diaz, ang kauna-unahang Pinoy na nakapag-uwi ng Olympic gold medal.


Lumalabas kasing ‘oportunista’ ang kilalang weightlifter na isa na ring guro ngayon sa University of the Philippines (UP) Diliman, kung susuriing mabuti ang laman ng statement ng nasabing fuel company.


Ayon sa mga nakabasa ng statement, “Kung ‘di ba naman sampung engot (tanga) din ang namamahala ng career ni Hidilyn, meron palang incentive na lifetime free fuel, pero nagawa nitong magkaroon ng kontrata sa ibang fuel company?”


Kahit saan mo raw kasi tingnan ang argumento, mereseng walang endorsement contract or what, hindi pa rin daw maganda sa panlasa ng nagbibigay ng incentive for lifetime free fuel na makitang may ibang parehong produkto itong ine-endorse? 

Ang lagay nga naman, heto ka’t makikinabang ng fuel product kay Jose, pero ‘yung kontrata mong sinusunod ay ‘yung kay Juan?


Hirit pa ng mga netizens, “Bago kasi magngawngaw ng katarungan, pagtupad sa pangakong ginawa pang public, drawing-drawing at iba pa, sana ay inalam ding mabuti ang pros and cons ng pinagdaanang mga kasunduan, may papel man o wala. 


“At the end of the day, negosyo at usaping media value, mileage at pagsakay sa popularidad ng mga nagbibigay-dangal sa bayan ang nakikita ng mga business owners, consumers at mga managers.”

‘Yun na!



HINDI pa naman pala naputol at all ang communication nina Jeric Gonzales at Rabiya Mateo kahit matagal na rin nilang pinutol ang opisyal nilang BF-GF setup.

Sa mga panayam sa aktor, proud nitong ibinahagi na nagkakausap at madalas pa rin ang pagbibigay-update nila sa isa’t isa.


Nito ngang lumabas sa mga balita na nakakuha ng mataas na grade si Rabiya sa kanyang NMAT dahil sa plano nitong mag-aral uli, naging extra proud din si Jeric sa achievement ng ex-GF niya.


Marami tuloy ang curious ngayon kung posible ba ang balikan sa kanila kahit hindi na active sa showbiz si Rabiya, habang si Jeric naman ay unti-unti nang nagiging main leading man at award-winning actor pa.


“Baka, siguro, basta open pa rin kami sa isa’t isa. We're good friends at okey na okey ‘yun,” sagot ni Jeric.


May upcoming movie na Graduation Day si Jeric kasama sina Elizabeth Oropesa, Simon Ibarra, Rico Barrera, at Aidan Veneracion na sa unang pagkakataon ay sa direksiyon ni Dante Balboa.





Jake, after ipagpalit… 

CHIE, HINIWALAYAN NA NI MATTHEW LHUILLIER



SABAY sa pagkamatay ng karakter ni Jake Cuenca sa Batang Quiapo (BQ) ay lumutang naman ang tsismis na diumano’y namatay na rin ang ugnayan between Chie Filomeno at Matthew Lhuillier.


Matatandaang kumalat ang tsismis ng breakup nina Chie at Jake noong naglalabasan na online ang mga sightings ng encounter nina Chie at Matthew.


Halatang dinamdam ito ni Jake at tila parang walang anuman iyon kay Chie na nakaengkuwentro pa nga somehow si Sofia Andres dahil sa pagkalat noon ng balita.


At nito ngang Friday the 13th, marami ang nagkumpirma na tapos na rin daw ang maliligayang araw ni Chie sa mayamang negosyante.


May mga hirit pa online ang mga bashers ni Chie na ine-expect na raw nilang mangyari iyon, habang may mas malupit pang nagsasabi na hindi naman daw kasi dapat humopia o umasa si Chie na pakakasalan siya ng isang Lhuillier.

Nakakaloka, pero hello nga, ‘noh?


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page