top of page

Babalik pa raw para naman sa leeg… SHARON, NAGPAOPERA NG SPINE SA PINAKAMAHAL NA OSPITAL SA BUONG ASYA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 2 hours ago
  • 3 min read

ni Julie Bonifacio @Winner | March 14, 2026



Sharon Cuneta

Photo: File / IG Sharon Cuneta



Nagpapagaling na sa Pilipinas si Megastar Sharon Cuneta pagkatapos sumailalim sa operasyon sa kanyang spine sa Singapore.


Nagdalawang-isip si Mega kung ipo-post niya o hindi ang nangyari sa kanya until she decided na i-announce ang pinagdaanang medical procedure sa social media.

Well, ipinost ni Sharon sa Instagram (IG) ang mga ‘little gifts’ na natanggap niya. At sa caption niya ay ini-reveal what she went through recently.


Kuwento ni Sharon, “Hi. I know it’s been a while. I was thinking if I should let you all know what I've been through. Well, I think yes.


“You might’ve heard that I was in Singapore. I wish I went there to vlog, but actually, it was for medical reasons. My spine.


“Remember how I’d been under pain management for about two years for my right hip and leg? Well, I wish I could’ve gone to see my doctor in Singapore sooner. I had a procedure. And I do feel better, but I am still recovering. I also need to go back there in a couple of months because all the tests revealed that I also have stuff in my neck I need fixed. C4 & 5, C5 & 6.”

Sinabihan ni Sharon ang kanyang mga followers na huwag ma-stress sa kanyang medical condition ngayon.


“Don’t stress about it. What’s important is that I am okay, the pain has been dealt with and we got to the root of the problems. Praise God,” paglalahad ni Sharon.


Humingi na rin si Sharon ng paumanhin sa kanyang IG post dahil hindi na siya makakaapir sa grand finals ng Your Face Sounds Familiar (YFSF).


“I am so sorry to my YFSF family and my Sharonians who went for not being able to make it to the Finals. I tried. I missed, miss, and will greatly miss all of you,” malungkot na pahayag ni Mega.


At sa huli ay pinasalamatan ni Sharon ang kanyang doktor at mga nurse sa ospital kung saan siya na-confine sa Singapore.


“Thank you to my great nurses in Singapore, especially my Filipino ones at Mount Elizabeth Medical Center. And thank you most of all to my doctor, Dr. Prem Pillay for his expertise and kindness. God bless us all. Love and miss all of you, my Sharonians. Hope you're all okay,” sabi pa ni Sharon.


Makikita naman sa comment section ang post ng eldest daughter ni Mega na si KC Concepcion. No words pero may limang pink hearts.


Ayon sa mga netizens, ang ospital na pinuntahan ni Sharon sa Singapore ang most expensive hospital in Asia. At ito rin daw ang ospital ng mga royalties sa buong Asya.

Ang taray, ‘di ba?





NAG-ANNOUNCE na ang ABS-CBN ng line-up ng mga shows para sa primetime na magsisimula sa Lunes, March 16.


Lubos ang pasasalamat ng ABS-CBN at ni Coco Martin sa milyun-milyong manonood na sumubaybay sa paglalakbay ni Tanggol sa FPJ’s Batang Quiapo (BQ) gabi-gabi na ginawa itong pinakapinapanood na primetime series sa bansa at nag-break ng viewing records mula noong 2023.


Sa pagtatapos ng BQ kagabi, March 13, magbubukas ang ABS-CBN primetime block nang 8 PM sa suspense drama na The Alibi (TA), na pinangungunahan nina Kim Chiu at Paulo Avelino.


Susundan ito ng mystery drama na What Lies Beneath (WLB) sa ganap na 8:45 PM, na patuloy na nagpapakilig sa mga manonood habang sinusubukan nilang hulaan kung sino ang tunay na pumatay. 


Susundan ito ng South Korean romance drama na Love Scout (LS) at 9:30 PM, na pinagbibidahan nina Lee Jun-hyuk at Han Ji-min.


Ipapalabas naman at 10:15 PM ang hit Chinese drama na Forbidden Flower (FF) na pinagbibidahan ni Jerry Yan.


Samantala, ang premiere ng paparating na seryeng Sigabo, na pinagbibidahan nina Coco Martin at Julia Montes, ay inilipat sa ibang araw habang ang mga paghahanda ay patuloy na ginagawa upang maging isang kapana-panabik na handog na magdadala ng bagong karanasan sa panonood.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page