top of page
Search
  • BULGAR

Parehong movie ng Star Cinema… COCO-JODI AT VICE-IVANA, SALPUKAN SA MMFF

ni Julie Bonifacio - @Winner | September 11, 2022


Naghahanda na ang dalawang malalaking pelikula ng Star Cinema na pasok na sa 2022 Metro Manila Film Festival.


Ang isa sa dalawang official entries ng Star Cinema sa darating na December filmfest ay ang Labyu With An Accent na pagbibidahan nina Coco Martin at Jodi Santamaria. Si Coco rin ang direktor ng movie.


Habang ang isa pang entry ng Star Cinema ay ang Partners in Crime nina Vice Ganda at Ivana Alawi sa direksiyon ni Cathy Garcia.


Parehong bagong kombinasyon ang Coco-Jodi at Vice-Ivana na hatid ng Star Cinema sa MMFF.


Naka-post na sa socmed ang ginanap na story conference ng Labyu With An Accent.


Bukod sa bagong kombinasyon ang Coco-Jodi sa big screen, sa iba’t ibang parts sa US pa pala ang location ng movie.


Samantala, napag-alaman namin kay Direk Cathy na nag-look test na sina Vice at Ivana for the movie last Monday. At sa darating na Lunes naman ang start ng shoot nina Direk Cathy.


Last year ay may entry din sa MMFF si Direk Cathy, ang romantic-comedy film na Love At First Stream.


Magandang abangan ang salpukan sa MMFF ng tandem nina Coco-Jodi at Vice-Ivana.



0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page