top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Parehong lasing nang bugbugin ang GF… KIT, TUTULUYAN NG PAMILYA NI ANA

BULGAR
Mar 20, 2022
1 min read

ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | March 20, 2022




Sa latest update sa kaso, desidido raw ang pamilya ni Ana Jalandoni na panagutin sa batas si Kit.


Sa pagpapatuloy ng imbestigasyon, nakikipag-ugnayan na ang Tagaytay Police sa nasabing hotel kung saan nangyari ang insidente at nalamang alas-6 ng gabi nu'ng Huwebes, March 17, nag-check-in sina Kit at Ana para sa overnight stay.


Ayon sa imbestigasyon ng Tagaytay Police, "Pareho silang nakainom, so para bang nakakaramdam na 'yung babae (Ana) nang hindi maayos kaya tinawagan niya 'yung friend niya. Kaso nga lang, nu'ng pagtawag niya sa friend niya, poor signal kaya umakyat siya ru'n sa 3rd level hallway (ng tinutuluyang hotel). It so happened siguro, nakatulog siya. Noong makita siya ng lalaki, binuhat siya at ibinalik sa room nila. Doon na nag-start," pahayag ni Tagaytay Police Chief Rolando Baula.


Nakialam na rin ang Calabarzon police sa pamumuno ni Police Chief Antonio Yarra na tututukan nila ang isyu dahil sa kasong karahasan sa babae.


Sey ni Yarra, "Ang mga ganitong klaseng violence ay hindi dapat isinasawalang-bahala lamang. I will take this chance to call on other women who were victims of violence not to be afraid and report immediately to the nearest police station their situation. Kagaya lang po ng biktima sa insidenteng ito, agad na nabigyan ng aksiyon at hindi na umabot pa sa mas marahas na sitwasyon."


Ayon sa ilang netizens, mukhang hindi papabor kay Kit ang sitwasyon dahil pasok ito sa kasong violence against women na mahigpit na ipinanukala sa Kongreso, unless may mamagitang isang mabuting puso para magkaroon ng amicable settlement.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page