Parehong guests ni Marco… MARTIN, CONCERT KING PERO SAPAW KAY VICE NA FINALE SA CONCERT
- BULGAR
- 2 hours ago
- 3 min read
ni Janiz Navida @Showbiz Special | July 17, 2025
Photo File: Martin Nievera - IG
Tatlo na lang ngayon ang natitira sa grupong The OPM Hitmakers matapos pumanaw sina Rico J. Puno at Hajji Alejandro.
Kaya sa mediacon last Tuesday para sa first major solo concert ng OPM icon na si Marco Sison, ang Seasons of OPM which will happen on July 25, 8 PM at The Theater at Solaire, natanong namin ang singer kung may balak ba silang tatlo nina Rey Valera at Nonoy Zuñiga na magdagdag ng bagong miyembro sa grupo bilang kapalit ng dalawang nawala.
“Ang hirap namang maghanap ng kapalit sa dalawa. Wala na sigurong ipapalit du'n. So napagkasunduan namin na kami na lang, itutuloy na lang namin,” seryosong pahayag ni Marco Sison.
Instead, mag-i-invite na lang daw sila ng mga female singers tulad nina Pops Fernandez, Kuh Ledesma, Vina Morales at Lani Misalucha kung sakaling magkakaroon uli ng concert ang OPM Hitmakers.
But for now, solo muna ni Marco ang Seasons of OPM bilang tribute raw niya sa musikang Pinoy kaya special guests lang muna niya sina Rey at Nonoy.
At bongga naman ang kanyang first major solo concert dahil special guests din at pumayag agad-agad sina Martin Nievera at Vice Ganda nang hindi nila pinag-usapan ang talent fee.
Puring-puri nga ni Marco ang kabaitan ni Martin na bagama't matagal na raw niyang kaibigan, ngayon pa lang sila magsasama sa isang show dahil magkaiba nga ang genre nila.
At nang imbitahan nga raw niya si Martin, ang Concert King pa ang gumawa ng magiging script sa duet nila sa Seasons of OPM, bukod sa ayaw daw nitong magbigay ng presyo ng talent fee kaya tuwang-tuwa at very grateful si Marco.
Si Vice Ganda naman daw, ito mismo ang nagsabing magge-guest kapag nagkaroon nga si Marco Sison ng solo concert dahil natuwa raw si Vice nang minsang maging hurado sa Tawag ng Tanghalan ang icon singer.
At siguro naman, hindi magiging issue kay Concert King kung si Vice Ganda ang finale sa 4 na guests ni Marco Sison sa Seasons of OPM dahil knowing Martin na very down-to-earth despite his title in the music industry at walang kahit ni katiting na insecurity sa katawan, kahit saan pang segment ng show siya ilagay ay okay lang sa kanya.
Anyway, dahil tribute nga ni Marco Sison sa OPM ang Seasons of OPM, hindi lang ang mga super hit songs niyang My Love Will See You Through, Si Aida o Si Lorna o Si Fe, Always at Make Believe ang kakantahin niya kundi pati ang mga sikat na kanta ngayon ng mga GenZ tulad ng Pasilyo ng SunKissed Lola at Habang Buhay ni Zack Tabudlo na ilan lang daw sa mga naa-appreciate at paborito niyang kanta ng present generation.
Well, under the musical direction of Louie Ocampo and concert director Calvin Neria, tiyak na hindi maiiwasang mag-throwback at kiligin ng mga manonood kapag hinarana na sila ni Marco Sison na after 45 yrs. sa music industry, hindi pa rin nagbabago ang brilyo ng boses sa pagkanta.
In fact, nang mag-acapella ito sa harap ng press people, akala namin ay recording ang pinakikinggan namin.
Kaya sa mahihilig sa OPM, buy your tickets now, don't wait for another ‘season’ at baka maubusan na kayo.
Paaak!!!
ANOTHER singer-performer na impressive para sa amin ay ang bandang InnerVoices na first time naming napanood ang live performance sa Hard Rock Cafe sa Makati last week.
Tunog-Introvoyz at After Image ang choice of songs ng InnerVoices na ang lead vocalist ay si Patrick Marcelino, na siya ring pinakabago at youngest sa group with 6 members.
Actually, si Atty. Rey Bergado talaga ang founder, leader at orig sa grupo na ang goal ay makagawa sila ng sarili nilang song na maghi-hit at patuloy silang makapag-perform-makapag-gig sa iba't ibang resto bars around Metro Manila nang sa gayon ay makapag-contribute ng happy memories and relaxation sa mga customers na ang gusto siyempre ay chill and relaxed lang habang kumakain, umiinom at nag-e-enjoy sa good music.
Kuwento nga sa amin ni Atty. Rey, 34 yrs. na ang InnerVoices at ilang beses na silang nagpahinga-bumalik and hopefully this time raw ay tuluy-tuloy na lalo't nakita niya rin ang passion and dedication ng vocalist na si Patrick, gayundin ng iba pang datihan nang members ng grupo.
Anyway, narinig namin ang orig song ng InnerVoices that night na Sayaw sa Ilalim ng Buwan at ang only upbeat track nilang Galaw and we'd say na nakaka-LSS siya lalo't maganda ang boses ni Patrick at maeengganyo kang sumabay.
Bukod sa 2 songs na ‘yan, kasama sa fresh batch of new songs ng InnerVoices ang THAL (Tubig, Hangin, Apoy, Lupa), Meant to Be, Idlip, Saksi Ang Mga Tala at Handa na Kitang Mahalin.
Ang mga bumubuo sa InnerVoices ay sina Patrick Marcelino (vocalist), Rene Tecson (guitarist), Alvin Herbon (bassist), Joseph Cruz (keyboardist), Joseph Esparago (percussionist) at Rey Bergado (founder at band leader.)