top of page

Parehong ex ni Derek… SOLENN AT ELLEN, FRIENDS NA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 1 day ago
  • 2 min read

ni Julie Bonifacio @Winner | January 30, 2026



Ellen Adarna at Solenn Heussaff

Photo: Circulated / Ellen Adarna at Solenn Heussaff



Tinanong si Solenn Heussaff ng netizen kung kasama siya sa group chat ng mga dating karelasyon ng nakahiwalay na mister ni Ellen Adarna na si Derek Ramsay.


Dahil sa post ni Ellen sa Instagram (IG), hindi nakalusot si Solenn sa isyu ng hiwalayan. Ipinost ni Ellen ang bago niyang bili na dalawang queen-size beds kung saan nakahiga sila ng kanyang mga anak na sina Elias at Lily.


Sa caption, sinabi ni Ellen, “I picked two queen beds and had them customized into one so everyone could have their own space... but my kiddos clearly ALWAYS have other plans. 


“Somehow we always end up squished together anyway. We also chose a Montessori style bed for extra safety and peace of mind because mama never stops worrying... even in her sleep. 


“And yes, there’s an extra bed on the side for my BFFs who want to sleep over and feel the love too.”


Sa comment section, nag-react si Solenn, “The best!!! (heart emoji).”

Tanong ng netizen kay Solenn, “Kasama ka ba sa GC (group chat) ng mga ex? Hehehe! Joke.”

‘Yun, oh!



INAMIN ng aktres na si Barbie Forteza na napaka-challenging ng pagganap niya sa latest masterpiece ni Cannes Best Director Brillante Mendoza, ang Until She Remembers (USR), produced by Wilson Tieng’s Solar Pictures.


“Honestly, challenging s’ya overall dahil ang aming napakahusay na direktor na si Brillante Mendoza ay wala pong script. Opo, wala po kaming script,” pag-amin ni Barbie sa isang interbyu.


Bago kunan ang isang eksena, nagbi-briefing daw sila ni Direk Brillante kung ano ang gagawin.


“(Pagkatapos) Ikukuwento n’ya. Nasa set na kami, ‘O, ganito ang mangyayari. Bahala na kayo kung ano’ng gusto ninyong sabihin,” paglalarawan ni Barbie.


Hindi naman daw nila kailangang tandaan ang mga sinabi niya sa eksena dahil hindi raw nag-uulit ng take si Direk Brillante.

“One take lang po si Direk,” ngiti ni Barbie. 


Paliwanag niya, “Dahil ang explanation n’ya kaya wala s’yang script, gusto n’ya, no acting-acting po talaga. Tsaka very raw ang mga reactions, ang mga emotions ng actor.


“Kasi tayo, bilang mga tao, ‘di naman natin alam talaga kung ano ang mangyayari in the next five minutes, ‘yung ganyan. Gusto n’ya ang reaksiyon mo habang nangyayari ‘yung eksena, ganu’n din talaga ang nangyayari sa totoong buhay.


“Ine-explain ni Direk ang relationship n’yo bilang mag-lola. If close ba kayo? If distant ba ‘yung relationship n’yo, ganu’n. So from there, as actors, ikaw na talaga ‘yung gagawa ng proseso mo, gagawa ng character arc mo kung ano ‘yung magiging reaction mo towards your co-actors.”


First time nakasama ni Barbie si Charo Santos-Concio. Bagama't nakasama na niya si Boots Anson-Roa sa isang pelikula noon, never daw silang nagkasama sa mga eksena.


Kasama rin sa Until She Remembers sina Angel Aquino, Albert Martinez, Eric Quizon, Vince Rillon, Perla Bautista, Carlos Siguion-Reyna, Erlinda Villalobos, Angel Latorre, Bianca Kierulf, at marami pang iba.


Ipapalabas ito sa mga sinehan sa Pebrero 25.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page