Parehong ex ng kambal ni Carmina... Kyline at Darren, may MU tungkol kina Mavy at Cassy
- BULGAR
- Apr 11, 2024
- 1 min read
ni Eli San Miguel - Trainee @Entertainment | April 11, 2024

Usap-usapan ngayon ang umano’y inside joke nina Kyline Alcantara at Darren Espanto.
Sa Instagram, ibinahagi ni Kyline ang kanyang video na naglalakad sa compound ng ABS-CBN matapos ang kanyang pagbisita sa “It's Showtime.”
"Hola, Madlang Kapuso," saad niya sa caption.
Agaw-pansin naman ang top comment sa kanyang post na mula sa "It's Showtime" host na si Darren Espanto, na nagsabing "Kasi nga..."
Nag-reply naman dito si Kyline ng "Kasi namern."
Matatandaang nagkaroon ng moment sa “It’s Showtime” ang dalawa. Pabiro silang inasar ng host na si Kim Chiu nang ibinahagi nito na sinabi sa kanya ni Darren na "Ang galing pala ni Kyline talaga."
“Alam niyo po kung bakit? Kasi nga…” sagot ni Kyline bago nilingon uli si Darren.
Gayunpaman, binitin ng aktres ang mga viewers dahil hindi niya tinapos ang pangungusap.
Sa ngayon, may mga espekulasyon ang mga netizens na isang inside joke ang makahulugang comment ni Darren. Karamihan ay ikinokonekta ito sa relasyon nila sa mga Legaspi.
Nali-link noon si Darren kay Cassy Legaspi, ngunit sa premiere episode ng "It's Showtime" sa GMA-7 noong nakaraang Sabado, sinabi ng singer-actor na wala siyang girlfriend at matalik na magkaibigan lamang sila.
Samantala, si Kyline naman ay na-link kay Mavy, ang kambal ni Cassy. Nagsimula namang maging matunog ang kanilang pagkakalabuan sa social media noong Nobyembre ng nakaraang taon.
Comments