Pareho sila ni Pia na nasa Paris Fashion Week… SIGAW NG KAMPO: HEART, LEGIT FASHIONISTA
- BULGAR

- Jul 9, 2025
- 3 min read
ni Nitz Miralles @Bida | July 9, 2025
Photo: Heart Evangelista - @andreisuleik / Instagram
Maingay na naman ang mga fans nina Heart Evangelista at Pia Wurtzbach dahil sa Paris Fashion Week Haute Couture.
Nauna nang dumating sa Paris si Heart at rumampa na at gaya ng dati, pinagkakaguluhan ng mga fotogs at mga nanonood. In fact, nakailang rampa na siya at nakailang fashion shows na.
Si Pia, wala pang entry ng kanyang pagrampa at kararating pa lang yata sa Paris. Nalaman lang na nasa Paris siya dahil sa post sa Instagram (IG) story ng photo niya at may text overlay na “Paris.”
Kapag nag-post na ng photos o reels video si Pia, asahang magsisimula na ang puksaan ng dalawang kampo.
Ang mababasa pa lang sa kampo ni Heart ay comment na legit fashionista siya at excited ang mga fans sa pag-aabang sa OOTD (outfit of the day) niya at kung sino’ng celebrity ang katabi niya sa fashion show. Pati kung nasa front row ba si Heart ay inaabangan, na madalas naman.
BAGAY kay Sharon Cuneta ang maging endorser ng Mega sardines dahil Megastar siya at Mega ang tawag sa kanya.
Nabanggit ni Sharon ang “It is such an honor to finally be a part of the Mega Prime Foods family as they celebrate their 50th Anniversary.”
Nakakatawa lang ang ibang fans ni Sharon, nanghingi ng sardinas na may autograph niya. Igigisa raw nila ang sardinas at itatago ang balot na may pirma niya. In fairness, siguradong mas tataas pa ang sales ng Mega sardines na si Sharon ang endorser, perfect choice siya.
And speaking of Sharon, very proud ito sa anak na si Frankie Pangilinan sa ipinakita sa first movie nitong EDJOP: Race to Finish.
Aniya, “My Kakie’s @frankiepangilinan first-ever movie which she filmed during vacations from college!!! She did very well in it and I am so so so so proud of her! Mana to Mimi Helen, Mama Nene-Ciara Sotto, Ate @kristinaconcepcion and-ahem- Mama! Thank you, Jesus!”
Kasamang nanood ni Sharon si Senator Kiko Pangilinan at si Frankie na nasa tabi niya at galing sa pag-iyak. Kaya lang, hindi pa tapos ang pelikula, offline previews at unfinished cut ang pinanood. Nagpa-fund raising pa ang producers at nag-iimbita ng mga partners at investors.
Kahit may poging suitor na…
SHUVEE, KILIG NA KILIG KAY DONNY
May 1.2 million followers sa Instagram (IG) si Shuvee Etrata at karamihan sa mga nadagdag ay mula nang maging housemate siya sa Pinoy Big Brother (PBB). Kabilang sa mga followers niya sa IG sina Anne Curtis at Vice Ganda pati ang ibang taga-It’s Showtime (IS) na sina Jackie Gonzaga, Ryan Bang, Jugs Jugueta. Sina Karylle, Darren Espanto at Jhong Hilario na lang ang hindi pa naka-follow kay Shuvee.
Ang feeling ng mga fans ni Shuvee, nagiging favorite siya ng IS at ng mga hosts ng show at sa last guesting nga nito, pinag-host pa siya ng isang segment.
Wish ng mga fans ni Shuvee, maging semi-regular siya sa show na kapag nangyari, marami siyang matutunan sa mga hosts, lalo na kay Vice pagdating sa comedy.
Sa last guesting ni Shuvee, na-meet niya si Anne, hindi nito naitago ang pagka-star struck. Tuwang-tuwa ito nang kamayan at yakapin ng aktres. Nag-fangirling si Shuvee.
May picture taking pa siya kasama ang host, at napa-comment si Shuvee ng “I love you, Showtime Fam! Thank you.”
Anyway, kilig na kilig si Shuvee nang batiin ni Donny Pangilinan nang magkita sila sa ‘Big Night’ ng PBB. Hindi pa rin siya makatingin nang diretso sa aktor kahit ilang beses na silang nagkita.
Crush lang naman ni Shuvee si Donny dahil may Anthony Constantino siyang manliligaw na nakilala na ng parents niya.
Si Anthony ang binanggit ni Shuvee na TDH niya o ‘Tall, Dark and Handsome’.
Tinukso nga siya ni Melai Cantiveros na nagsabing “Ang pogi ng uyab mo,” na ang ibig sabihin, pogi ang boyfriend ni Shuvee.
Nakita kasi ni Melai na magkayakap ang dalawa sa Big Night ng PBB, pero nanliligaw pa lang daw si Anthony.
Hindi man nanalo, ang daming blessings ni Shuvee. Sunud-sunod ang endorsements niya, nasa Sang’gre siya at Unang Hirit (UH). Magkakaroon daw ito ng afternoon series, kasama siguro ang ibang Kapuso talents na galing sa PBB.










Comments