top of page
BIDA - JANELLA KAY KLEA I LOVE YOU SO MUCH, MY BABY, MY LOVE, MY SWEET BABY BOO!-IG _kleap

Pareho raw may third party… HIWALAYANG ANNE AT ERWAN, KALAT NA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 30, 2024
  • 3 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | August 30, 2024



Showbiz News

Malayo sa katotohanan at hindi paniniwalaan ng mga fans ni Anne Curtis ang balitang hiwalay na diumano sila ng mister niyang si Erwan Heussaff. 


Ang sinasabing dahilan ay third party. Binalikan daw kasi ni Erwan ang ex-GF niya sa New Zealand. Lagi raw kasing busy si Anne sa kanyang showbiz career at wala nang panahon para kay Erwan, kaya minabuti ng mister na umuwi sa New Zealand at balikan ang kanyang ex-GF. 


May isa pang version na ipinakakalat kung bakit naghiwalay sina Anne at Erwan, may third party din daw sa panig ni Anne na isang kasamahan niya sa It’s Showtime (IS)


Well, aware kaya si Anne Curtis sa kumakalat na fake news tungkol sa kanila ni Erwan? Dapat siguro ay linawin din niya ang isyu dahil marami na ang nagtatanong kung totoo nga bang hiwalay na sila. 


Lahat ng nag-aalalang fans ni Anne Curtis ay gustong malaman ang katotohanan.



“WHAT you see is what you get,” ito ngayon ang standard na sagot ni Kyline Alcantara sa mga nagtatanong sa status ng relasyon nila ni Kobe Paras. 


Walang inaamin si Kyline, pero base na rin sa kanyang body language kapag magkasama sila ni Kobe, mukhang may “something special” sa kanilang dalawa.


Mukhang nag-iingat lang si Kyline na ma-bash at maakusahang 'asyumera'. 

Well, kailangan na kay Kobe Paras unang manggaling ang pag-amin sa kanilang relasyon. Pero, ang hindi nagustuhan ng mga netizens ay ang sobrang pagiging sweet ni Kyline kapag kasama si Kobe, tulad na lang ng viral video nila sa social media kung saan nakakandong siya sa basketbolista habang kinakantahan siya nito. 


Nakakakilig 'yun para sa mga fans ni Kyline, pero dismayado ang marami. 


Anyway, sa September 3 ay birthday na ni Kyline, at sa New York, USA siya magdaraos ng selebrasyon kasama ang kanyang mommy. Susundan kaya siya sa New York ni Kobe? 


Samantala, tamang-tama sa kanyang pagbabalik sa ‘Pinas sa September 7 ay eere na ang kanyang bagong serye sa GMA-7, ang Shining Inheritance (IS), kasama sina Coney Reyes, Kate Valdez, atbp..



'Di obyus na naghihirap…

MADIR NI CARLOS, MAHILIG SA BRANDED NA DAMIT 


Angelica Poquiz Yulo

MALAKI ang naitulong ng moral support na ibinigay ng mga taong nakisimpatya kay Nanay Angelica, ina ni Carlos Yulo. Kung dati ay puno siya ng hinanakit at sama ng loob dahil sa ginawang panunumbat sa kanya ng anak na two-time gold medalist, ngayon ay makikita na si Nanay Angelica na ngumingiti at maaliwalas ang aura. 


Lalo na nang makarating sa kanya ang suporta ng maraming nanay tulad nina Jinkee Pacquiao at Mommy Dionisia. May ilang kabataan din ang nagparating sa kanya ng suporta, kaya kalmado na si Nanay Angelica kahit na hindi pa siya dinadalaw ng kanyang anak na si Carlos.


Samantala, biglang nag-boom ang kanyang negosyong garlic longganisa na ngayon ay may tatak na Queen Angelica. Naging endorser pa si Nanay Angelica ng isang dental clinic ngayon. 


Sunud-sunod ang pasok ng blessings sa pamilya Yulo. 


Sa ilang comments ng mga netizens, mahilig pala si Nanay Angelica sa branded na damit at gamit. Sa kanyang mga interbyu at events na dinadaluhan, branded ang kanyang mga suot. 


Hindi halatang naghihirap sila sa buhay, pero gumagawa sila ng paraan upang kumita, patunay na hindi sila umaasa lang sa kinikita ni Carlos Yulo.



MASAYA ngayon ang Morning Sunshine Girl ng Unang Hirit (UH) na si Shaira Diaz. Sa wakas, naka-graduate na rin siya sa kolehiyo after six (6) years. 


Nagawa ni Shaira na pagsabayin ang pag-aaral at showbiz career, kaya proud na proud din ang kanyang nobyong si Edgar Allan Guzman (EA) at ang kanyang mga magulang. 


Si Shaira ay nagtapos sa kursong Marketing Management sa University of Perpetual Help System DALTA sa Las Piñas City. 


Nakakabilib din ang suporta ni EA sa nobya upang matupad ang pangarap nito. At kahit hindi siya ang top priority ni Shaira, inuunawa niya ang nobya, kaya namamayagpag ang kanilang relasyon na mahigit sampung taon na. 


Ngayong nakatapos na sa kolehiyo si Shaira, tutuparin na niya ang pangako kay EA na ang next event nila ay ang kanilang pagpapakasal, na magaganap sa taong ito.




Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page