ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | September 15, 2024
Nang magpakasal sina Maine Mendoza at Congressman Arjo Atayde, marami ang nagsasabing titigil na ang aktres sa pagho-host ng Eat… Bulaga! (EB!) at magiging full-time wife na lang.
Dahil parehong financially stable, hindi na kailangan ni Maine na magtrabaho pa. Maaari na siyang maging “reyna” at suportahan ang political career ng kanyang mister na si Cong. Arjo.
Pero ayon kay Arjo, wala siyang balak na patigilin si Maine sa showbiz. Nakikita niyang masaya ito at nag-e-enjoy sa industriya. Besides, pareho naman silang busy sa kani-kanilang career.
Samantala, itinanggi ni Cong. Arjo Atayde ang tsikang hiwalay na sila ni Maine. Paninira lang daw ito mula sa mga kalaban niya sa pulitika.
Anyway, magaganda ang mga projects ngayon ni Arjo, at markado ang role niya sa serye ng ABS-CBN na The Bagman kasama sina Judy Ann Santos at John Arcilla. May kakaibang lalim na siya sa pag-arte.
May dalawa rin siyang pelikula, ang Topakk kasama si Julia Montes at Moonglow, isang crime thriller na obra ng US-based Filipino filmmaker na si Isabel Sandoval.
Mas lagi nang magkasama…
ALDEN, NALALAMANGAN NA NI DOM KAY KATHRYN
MAY ilang nakapansin na parang lumamig at wala nang balita sa tambalang KathDen (Kathryn Bernardo at Alden Richards) pagkatapos ng shooting nila ng Hello, Love, Again (HLA), samantalang bongga ang kanilang pakilig nang mag-house blessing at birthday si Kathryn.
Ngayon ay bihira na silang mag-post ng mga larawan nilang magkasama. Mas madalas pa ngang magkasama sina Kathryn at Dominic Roque ngayon. Kahit sa gym at sa clinic ni Dra. Aivee Teo, si Dominic ang escort ni Kathryn.
Kaya marami ang nagtatanong kung ano'ng nangyari sa dating sweet na tambalang KathDen. Masyado bang naging abala si Alden Richards kaya hindi na niya nabibigyan ng panahon si Kathryn?
Sabagay, busy ngayon si Alden sa kanyang historical seryeng Pulang Araw (PA) at may mga negosyo pang inaasikaso.
Nag-aalala lang ang KathDen fans dahil may hula ang psychic na si Jay Costura na hindi swak ang tambalang KathDen sa tunay na buhay at pang-showbiz lang talaga ang kanilang love team.
May 'calling' daw siya…
KARLA, BABU SA SHOWBIZ, JOIN SA PULITIKA SA 2025
MAS gusto na ngayon ni Karla Estrada ang magkaroon ng political career, kaya pahinga muna siya sa showbiz. Iiwan niya ang programang Face-To-Face (FTF) dahil balak niyang tumakbo sa darating na 2025 elections.
Naging aktibo si Karla sa pagtulong sa isang partylist noong nakaraang election, at maganda ang feedback sa partylist dahil sa kanyang pagtulong.
Ngayon, gusto ni Karla na ma-experience ang pagiging public servant. Feeling niya ay ito ang kanyang calling at gusto niyang makatulong sa mga nangangailangan.
At kahit magiging busy na siya sa pulitika, lagi pa rin siyang nakasubaybay sa anak niyang si Daniel Padilla (DJ).
Alam niyang makaka-move on din ito sa paghihiwalay nila ni Kathryn Bernardo. Ayaw niyang panghimasukan si DJ sa mga desisyon nito sa kanyang love life, moral support ang ibinibigay niya ‘pag kailangan ng anak.
Comments