top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Pare-pareho na lang ang apelyido ng mga kandidato, political dynasty pa more!

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 13, 2022
1 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | February 13, 2022


MAGKAKAMAG-ANAK NA KANDIDATO, GAHAMAN SA KAPANGYARIHAN–Ngayong panahon ng eleksiyon, kapuna-puna sa tarpaulin ng mga pulitiko na karamihan ay iisa lang ang apelyido.


Ibig sabihin ay magkakamag-anak o sabay-sabay na kumakandidato ang mag-asawa, mag-ama, mag-ina, maglolo, maglola, etc.


Ganyan kagahaman sa kapangyarihan ang mga trapo na nagtataguyod ng political dynasty, period!

◘◘◘


“PAGBIBIGAY-TRABAHO”, PRAMIS NA LANG PALAGI NG MGA KANDIDATO–Trabaho, trabaho, trabaho… ‘Yan ang paboritong pramis ng mga kandidato kapag eleksiyon.


‘Yung tipong, akala mo talaga mabibigyan ng oportunidad ang lahat ng walang hanapbuhay, pero kapag nakuha na ng mga kandidato ang kanilang gusto at nagkaroon na ng puwesto ay hindi na sila maramdaman, ang pangako na trabaho ay walang katotohanan at ang mga napangakuan ay ‘nganga’, tambay pa more!

◘◘◘


AKALA NI FEROLINO AY LUSOT NA SIYA SA TARAY NI GUANZON, HINDI PA PALA–Mali ang akala ni Comelec Commissioner Aimee Ferolino na mananahimik na si ret. Comelec Commissioner Rowena Guanzon sa pambabatikos sa kanya kasi retirado na ito.


Pero mali pala ang akala ni Ferolino dahil nang i-dismiss niya ang disqualification case laban kay BBM na may kaugnayan sa tax case ay muli siyang tinarayan ng taklesang retiradong commissioner, ha-ha-ha!

◘◘◘


WALA NANG SAGABAL SA LENI VS BONGBONG, SINO MAGWAWAGI, KAKAMPINK O PULAHAN?–Ngayong dismiss na ang lahat ng disqualification case laban kay BBM ay wala nang sagabal sa muli nilang paghaharap ni Vice-Pres. Leni Robredo.


Kaya’t ang tanong: sino ang magwawagi at idedeklarang next president ng Pilipinas? Abangan!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page