top of page

Parang panaginip daw… KIRA AT EMILIO, UMAMING DUMAMI ANG FANS DAHIL SA PBB

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 5 hours ago
  • 4 min read

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | May 5, 2025



Photo: Kira Balinger at Emilio Daez - IG


Aminado ang dalawang Pinoy Big Brother (PBB) Celebrity Collab Edition evictees na sina Kira Balinger at Emilio Daez na ang laki ng epekto sa kani-kanilang career ngayon ng nasabing reality show.


Humarap ang dalawang Star Magic talents sa entertainment press sa Star Magic Spotlight presscon last Friday at ibinahagi kung ano ang mga naging pagbabago sa kanila simula nang lumabas sila sa PBB house.


Ayon kay Emilio, kung dati raw ay walang nakakakilala sa kanya kapag lumalabas siya, after his PBB stint ay marami na raw ang lumalapit sa kanya. Maging ang kanyang mga photos na ipino-post sa kanyang social media accounts ay laging nagte-trending ngayon, samantalang dati raw ay halos wala namang pumapansin.


“Honestly, I’m still very in shock kasi mahirap maniwala na parang ang warm ng reception ng mga tao sa inyo.


“It feels like I’m in a dream kasi siyempre, lahat ng mga tao, pinapangarap ang ganitong reception sa mga tao. ‘Yung suporta ng mga tao sa amin, sa amin nina Kira, sa lahat ng PBB Collab, it’s really heartwarming. 


best that I can be para sa lahat ng mga sumusuporta,” sey ni Emilio.


Bago pumasok sa PBB ay kilala na rin si Kira ng mga tao dahil nakagawa na rin siya ng ilang proyekto at nagbida pa sa pelikulang Maple Leaf Dreams (MLD) with LA Santos, pero ang laki pa rin daw talaga ng pagbabago simula nang mapanood siya sa nasabing reality show.


“This is the first time in my whole 11 years that I’m receiving this amount of love and appreciation. Sobrang nakakapanibago, sobrang nakakataba ng puso and just like what Emilio said a while ago, it makes me want to do better, to be a better person, to be a better actress, all aspects po, I just want to do better, to give back,” ani Kira.


Matapos ngang lumabas sa PBB house ay super-busy na agad sina Kira at Emilio sa kabi-kabilang showbiz commitments.


“Parang ngayon po, I’m just focusing on kung ano ‘yung nasa harapan ko, kung ano’ng guesting ‘yung ibibigay sa akin, kung ano’ng trabaho, parang ready lang po ako for anything. So, yes lang ako nang yes.


“Siyempre, isang blessing na may trabaho dito especially right after lumabas ng bahay. So I’m just trying to make the most out of it,” sabi ni Emilio na nakilalang ‘Mr. Bankable Achiever ng Pasig City’ sa PBB.


For Kira naman na tinaguriang 'Hopeful Belle ng Cavite’ sa PBB Collab Edition, gusto raw niyang i-try naman ngayon ang maging kontrabida.


“For the longest time po, I've always been doing the bida roles—the good girl roles, the rich girl—so I really want to try, kontrabida naman,” aniya.


Pero ang talaga raw dream role niya ay “Nahihiya ako sabihin—pero, Dyesebel. Dyesebel talaga. ‘Yun ‘yung isa sa mga dream roles ko.”


Happy din si Emilio na unti-unti nang natutupad ang kanyang pangarap na maging isang leading man dahil bida na siya sa upcoming iWantTFC original series na Love At First Spike (LAFS) na tiyak na magpapakilig sa kanyang mga tagasuporta.


Samantala, nang tanungin si Emilio tungkol sa posibilidad na makatrabaho si Kira,

sinabi niyang gusto niyang makasama ito sa isang action project.


“If we were given the chance, I think action would be amazing,” anang aktor.


Samantala, nang tanungin si Kira kung bukas siyang makatrabaho si Emilio sa mga proyekto gaya ng posibleng second (2nd) season ng Bagani, kung saan gagampanan nila ang dating roles nina Enrique Gil at Liza Soberano, sey ng aktres, “Absolutely. Bagani, that was super iconic. To follow in their footsteps, that would be a huge honor.”



KASABAY ng pagbibigay-pugay ng character actress na si Shamaine Buencamino sa pumanaw na aktor-direktor na si Ricky Davao ay ang pag-alma niya sa fake news na sumakabilang-buhay naman ang mister niyang character actor ding si Nonie Buencamino.


Sa kanyang Instagram (IG) page, sinabi ni Shamaine na hindi agad siya nakapagbigay-pugay kay Ricky dahil sa death hoax din sa kanyang mister.


“Kahapon lumabas ang balitang pumanaw na si Ricky Davao. Hindi ako nakapagpugay agad dahil ibinalita din sa TikTok na patay na si Nonie! Buti kasama ko s’ya,” aniya.


Pakiusap ng aktres, “Please lang po, ‘wag nating gawing biro ang pag-post ng ganitong balita.”


Kalakip ng post ni Shamaine ay ang larawan nila ni Ricky na magkasama.


“Direktor ko si Ricky sa larawang ito. May mga pinagsamahan din kaming serye kung saan madalas ay asawa ko siya. Masayang katrabaho! Makuwento, mabida, hindi nauubusan! Huli ko siyang nakita noong nanood sila ng Grace last year ng kanyang sweetheart.


“At kahapon, tulad nang madalas gawin ‘pag may yumao, pinuntahan ko ang IG account niya @rickyad at nabasa ko na natagpuan niya din ang silver lining niya! Mapalad ang sinumang nagmahal at minahal din ng lubos!


“Saludo sa kanyang buhay at sining! Sumalangit nawa ang kanyang kaluluwa,” ang tribute ni Shamaine para sa namayapang kasamahan sa industriya.


Pumanaw si Ricky Davao noong May 1, 2025 sa edad na 63. Ang labi niya ay kasalukuyang nakaburol sa The Heritage Park sa Taguig.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page