top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Paraan para masisingil ang ipinautang sa taong namatay

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 27, 2021
2 min read

ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | February 27, 2021



Dear Chief Acosta,


Mayroong utang sa akin ang kaibigan ko na kamamatay lamang apat na buwan na ang nakararaan. Ano ang maaari kong gawin upang makasingil sa nasabing utang? – Dean


Dear Dean,


Para sa inyong kaalaman, nakasaad sa Sections 1 at 2, Rule 86 ng Revised Rules of Court ang mga paraan kung paano ninyo masisingil ang inyong ipinautang sa taong namatay na gamit ang kanyang ari-arian bilang collateral:


“Section 1. Notice to creditors to be issued by court. — Immediately after granting letters testamentary or of administration, the court shall issue a notice requiring all persons having money claims against the decedent to file them in the office of the clerk of said court.
Section 2. Time within which claims shall be filed. — In the notice provided in the preceding section, the court shall state the time for the filing of claims against the estate, which shall not be more than twelve (12) not less than six (6) months after the date of the first publication of the notice. However, at any time before an order of distribution is entered, on application of a creditor who has failed to file his claim within the previously limited, the court may, for cause shown and on such terms as are equitable, allow such claim to be filed within a time not exceeding one (1) month.”

Base sa nabanggit, kinakailangan ninyo, bilang creditor na magsampa ng inyong paghahabol o claim sa mga ari-ariang naiwan ng namatay (estate) sa loob ng anim (6) hanggang labing-dalawang (12) buwan buhat nang paglathala ng notice ng korte na nagsasabing dapat maghabol ang lahat ng pinagkakautangan ng namatay at isampa ito sa tanggapan ng clerk of court ng nasabing korte. Dapat ninyong pakatandaan na ang karapatan ninyong maningil ay malaya sa kasunduan tungkol sa ari-ariang naiwan ng namatay (estate), mapa-judicial man, o sa pamamagitan ng korte o extrajudicial o sa labas ng korte.


Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinion kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sumangguni sa abogado.


Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page