top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Para sa safety ng mga estudyante… DEPED, paigtingin pa ang pakikipagtulungan sa DOH

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 5, 2021
  • 2 min read

ni Nancy Binay - @Be Nice Tayo | December 05, 2021



Mula bukas ay may karagdagang 177 public schools na lalahok sa pilot implementation ng face-to-face classes sa buong bansa.


Ang mga nadagdag na paaralan ay galing sa iba’t ibang rehiyon, tulad ng naunang batch noong Nobyembre.


Kasama sa panibagong batch ang 28 paaralan sa National Capital Region, na nasa ilalim ng Alert Level 2.


Ang mga paaralang ito ay pumasa sa iba’t ibang safety assessment na isinagawa ng DepEd at DOH.


☻☻☻


Magandang balita rin ang ibinahagi ng DepEd na walang naitalang kaso ng COVID-19 sa unang linggo ng pagbabalik-paaralan.


Indikasyon ito na tumatalima ang mga paaralan, lalo na ang mga guro at mag-aaral sa ating mga health and safety protocols.


Nawa’y ipagpatuloy at paigtingin pa ng DepEd — sa pakikipagtulungan sa DOH, mga lokal na pamahalaan at mga magulang — ang implementasyon ng ating minimum health protocols upang maiwasan ang pagkakasakit hanggang sa matapos ang pilot run.


☻☻☻


Ang Senado naman ay naglaan ng karagdagang P1 bilyon sa 2022 budget ng state universities and colleges (SUCs) at public schools upang i-retrofit ang mga ito para sa face-to-face classes.


Alam nating mabisang paraan ang physical distancing at maayos na bentilasyon upang maiwasan ang hawaan, kung kaya magagamit ang karagdagang pondo upang ayusin ang layout at bentilasyon ng mga classroom.


Magagamit din ito para sa COVID-19 testing at pagbili ng kagamitan para sa maayos na implementasyon ng health and safety protocols.


☻☻☻


Makaaasa kayong ipaglalaban natin sa bicameral conference committee ang karagdagang budget na ito.


Sa ating sama-samang pagkilos ay masisiguro natin ang patuloy na ligtas balik-paaralan ng ating mga anak at kaguruan.


☻☻☻


Paalala lamang sa lahat na manatili sa loob ng bahay, ugaliing maghugas ng mga kamay, bigyang-halaga ang kalusugan, at ‘wag kalilimutang magdasal.


Malalagpasan din natin ito.


Be Safe. Be Well. Be Nice!



Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page