top of page
WINNER - MICHELLE, ATRAS NA SA PAG-JOIN SA MISS GRAND INTERNATIONAL ALL STARS 2026_IG _mic

Para sa pangarap na musical play… JERALD, TANGGAP NA AYAW PANG MAGKAANAK NI KIM

Writer: BULGAR
BULGAR
2 days ago
4 min read

ni Beth Gelena @Bulgary | November 21, 2026



BULGARY - JERALD, TANGGAP NA AYAW PANG MAGKAANAK NI KIM_IG _kimsmolina

Photo: IG _kimsmolina



Hindi minamadali nina Jerald Napoles at Kim Molina ang pagkakaroon ng anak dahil nais munang bigyan ng aktor ng pagkakataon ang kanyang misis na muling balikan ang entablado.


Todo-suporta si Jerald sa pagbabalik ni Kim sa musical na Zsazsa Zaturnnah Ze Parteeeh! kung saan muli nitong gagampanan ang karakter na matagal na niyang minahal.


Ayon kay Kim, pareho na silang handang magsimula ng pamilya, bagama’t aminado siyang may takot pa ring nararamdaman.


“Kung tutuusin, ready naman na kami. Kung nakita mo s’ya with a baby, sobrang ready na s’ya. He is ready… Ako, takot kasi ako pero darating tayo r’yan,” ani Kim.


Bago tinanggap ng aktres ang muling pagbabalik sa musical, kinausap muna niya ang mister dahil alam niyang mahalaga rin ang kanilang mga plano bilang mag-asawa.

“Ako naman, if they will do it again, and if ‘di s’ya akma sa ‘kin, ‘yung moment or not destined for me since I was getting married, I have a husband now, and we are hoping for a family soon, if ‘di para sa ‘kin, hindi,” pakli niya.


“We needed to talk about it. Isa lang ang sagot n’ya, ‘If pangarap mo ‘yan, I will support you. Kung kailan ka ready,’” dagdag pa ni Kim.


Malinaw na ayaw ni Jerald na maging hadlang sa career ng kanyang misis, lalo na’t matagal nang pangarap ni Kim na maitanghal muli ang produksiyon sa mas malaking entablado.


“Nu’ng ginawa namin sa (Ateneo) Blue Rep, it was a dream of ours na we hopefully get to do it on the bigger stage. Nu’ng pakasal na ako — may kaba na sila kasi after kasal, ano’ng next — ‘yung nonchalant namin na anak ni Jerald. We have been talking about it and my husband has been very supportive in my life,” pag-alala niya.


Ang pagbabalik ng Zsazsa Zaturnnah Ze Parteeeh! ay bahagi ng 20th anniversary staging ng Wishbone Collective, Inc.. Nakatakda itong magkaroon ng humigit-kumulang 45 pagtatanghal simula Abril 2027.


Ayon naman kay Wishbone Collective President Chris Cahilig, may mga pambihirang talento pang makakasama ni Kim sa bagong produksiyon.


“It is a dream to see everyone unleash this talent they have, ang gagaling,” ani Chris.

Gaganapin ang musical sa Shooting Gallery sa Makati City, na ayon kay Cahilig ay mas malaking black box theater na bibigyan nila ng sariling disenyo.


“It is a huge blackbox, everything will be built from scratch. And the best part is we get to design the space the way we wanted it,” pagbabahagi pa niya.


Sa ngayon, may kani-kanyang pangarap na gustong tuparin sina Kim at Jerald, at masasabing malaking bagay na pareho nilang nakukuha ang suporta ng isa’t isa.





NAKAKAPANGHINAYANG na hindi nakaharap sa Philippine Movie Press Club (PMPC) si Batangas Gov. Vilma Santos-Recto para sa media launch ng Ala E! Festival dahil sumama ang kanyang pakiramdam.


Ganunpaman, nagbigay naman siya ng mensahe kahit hirap na hirap sa pagsasalita na halos wala nang boses at very warmly niyang winelcome ang PMPC, tanda rin ng kanyang pasasalamat sa pagkilala sa kanya bilang Hall of Famer sa nakaraang 49th PMPC Star Awards for Movies noong October 25.

Anyway, naroroon naman ang mga mababait na staff ni Gov. Vi na nag-asikaso sa grupo.


Ang pag-iimbita sa amin ni Ate Vi ay hindi lang pasasalamat kundi para ipaalam na muli nilang iseselebreyt ang Ala E! Festival, na magsisilbing tulay para mas makilala ang lalawigan, makahikayat ng mga turista at makapagbukas ng mas maraming oportunidad sa negosyo.


Ito ang mas malawak na layunin sa likod ng pagbuhay ng naturang festival, na gaganapin mula Disyembre 1 hanggang 8 ngayong taon bilang bahagi ng ika-445 anibersaryo ng pagkakatatag ng Batangas.


Nagsimula ang festival noong panahon ng unang panunungkulan ni Ate Vi bilang gobernador. Ngunit nang hindi na siya nakaupo sa puwesto, natigil din ang naturang pagdiriwang.


Ngayong siya na muli ang ina ng lalawigan, hindi lamang basta pagbabalik ng festival ang nais niyang mangyari. Hangad din niyang maging taunang tradisyon ito na magpapatuloy kahit matapos ang kanyang termino.


Sa napag-usapang bagong sistema, mabibigyan din ng pagkakataon ang mga lokal na pamahalaan na boluntaryong mag-host ng festival sa mga susunod na taon, upang maging bahagi ang iba’t ibang bayan at lungsod ng Batangas sa pagpapatuloy nito.


Malaki ang inaasahang maitutulong ng Ala E! sa turismo at ekonomiya ng lalawigan.


Sa pamamagitan ng pagpapakilala sa magagandang destinasyon, kultura, pagkain at mga produktong Batangueño, nais nitong makahikayat hindi lamang ng mga lokal at dayuhang turista kundi maging ng mga investors na makakita ng potensiyal na magnegosyo sa Batangas.


Hindi naman mahirap makita ang atraksiyon ng lalawigan. Taglay nito ang mga kilalang beach destination, diving sites, makasaysayang pook, masasarap na pagkain at mga produktong maipagmamalaki sa buong bansa.


Kapag dumami ang mga bisita, maaari ring makinabang ang mga hotel, resort, restaurant, transport services, souvenir shops at maliliit na negosyante.


Samantala, mas pinalawak din ang mga aktibidad ngayong taon. Bukod sa street dance at court dance competitions, magkakaroon din ng Battle of the Bands at singing competition.


Isa sa mga pangalang nabanggit na magiging hurado sa singing contest ay si Angeline Quinto.


Isa sa mga legacy ni Ate Vi ang Ala E! Festival. Kung sakaling hindi na siya ang nakaupo bilang Ina ng Batangas, may maiiwan siyang proyekto sa mga puso ng kanyang constituents na maipagmamalaki ng mga Batangueño.

Ang theme ng Ala E! ngayon ay “All Here. So Near!”

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page