top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Para sa libreng movie screening… Senior citizens, dumarami na sa mga sinehan

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 14, 2022
  • 2 min read

ni Lolet Abania | December 14, 2022



Marami nang senior citizens ang dumaragsa sa mga sinehan para sa libreng movie screenings habang marami na ring mga lungsod ang ibinalik ang naturang pribilehiyo sa populasyon ng kanilang matatanda.


Batay sa ulat, ilang mga senior ang nanonood ng sine na mag-isa habang ang iba naman ay kasama ang kanilang mga partner. Matatandaan na pansamantalang inihinto ang free movie screenings dahil sa COVID-19 pandemic.


Sa Marikina, San Juan, Quezon City, Parañaque at Malabon, ang mga seniors ay maaaring manood ng sine sa first at second showings tuwing Lunes at Martes.


Ang Pasig City naman ay nag-aalok ng free screenings para sa isang buong linggo nang libre, subalit para lamang sa first screening, maliban din kung ito ay isang movie premiere week o film festival.


Ang naturang programa ay nakadepende sa umiiral na ordinance ng local government units (LGUs). Habang ang ilang mga malls ay hindi nagsasagawa ng ganitong programa, may 20% discount naman na ibinibigay sa mga senior citizens.


Ayon kay Atty. Romulo Macalintal, isang senior citizen advocate, umaasa siyang ang lahat ng mga sinehan na gagawin nilang libre ang mga movies at accessible sa bawat senior citizen.


“Ang mga sinehan, hindi naman nabubulok. So bakit hindi natin ibigay sa lahat ng senior citizen?” saad ni Macalintal. Samantala, lahat ng senior citizens ay pinapaalalahanan na maging maingat at iobserba ang mga health protocols, lalo na at nakapagtatala pa rin ng mga COVID-19 cases.


At dahil sa ang mga matatanda ay mas madaling kapitan ng virus, ipinapayo sa kanila ang pagsusuot ng face mask sa loob ng sinehan. Ang mga may sintomas ay hindi naman pinapayagan na makapasok para na rin sa kaligtasan ng bawat isa.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page