top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Para sa Hollywood dream… LIZA, DYOWA PA RIN SI ENRIQUE PERO 'DI NA LANTARAN

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 20, 2023
  • 2 min read

ni Ambet Nabus @Let's See | June 20, 2023




Meron na namang mga lumalabas na posts sa social media na makikitang kasama ng baby naming si Enrique Gil ang rumored ex-girlfriend nitong si Liza o Hope Soberano.


Matatandaang kamakailan ay ibinalita ng former talent manager ni Liza na si Ogie Diaz sa kanyang YouTube vlog na diumano’y naghiwalay na ang showbiz sweethearts.


Pero, very recent lang ang mga photos na ipinost ng mga fans or some supporters ng dalawa na kinuha lang din nila mula sa isang photographer/vlogger.


Ang naturang photographer/vlogger ang kinomisyon ng mga kaibigan ni Quen para sa engagement event ng kapatid ng best friend ng aktor na recently ay na-engaged at pareho silang nandoon ni Liza dahil sila ang tumayong kapamilya nito.


Marami na namang netizens ang may kung anu-anong opinion sa muling pagsasama ng dalawa. Pati nga ‘yung body language ng rumored ex-couple ay pinuna na kesyo ‘di na sweet, etc..


May mga nag-iwan pa ng komento na kung talagang gusto nang burahin ni Liza sa kanyang buhay ang pagkakaroon ng love team dahil sa kanyang Hollywood dream, eh, bakit may biglang ganu’n pang eksena?!


Para klaruhin lang po, ang mga nasabing pictures ay never ipinost either nina Quen or Liza sa kani-kanyang social media account nila.


Anyway, humingi naman ng permiso ‘yung kinuhang photographer/vlogger sa pagpo-post ng mga larawan ng dalawa sa kanyang socmed. At ‘yun na nga ang ginrab ng kanilang mga LizQuen fans.


So, ganu’n lang kasimple ang kuwento. Kaya huwag na sanang pagpiyestahan, para ‘di na rin mahaluan pa ito ng mga negative vibes.


Kung walang katotohanan na hiwalay na talaga sina Liza at Quen, baka mas gusto na lang nila na gawing pribado ang kung anumang meron pa sa kanilang dalawa.


Oh, ‘yun na nga!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page