top of page
Sen. Robin Padilla - FB.jpg

Para sa closure… KATHRYN AT DANIEL, MAGSASAMA RAW ULI

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 4
  • 3 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | May 4, 2026



TEKA NGA - KATHRYN AT DANIEL, MAGSASAMA RAW ULI

Photo: File / Kathryn Bernardo / Daniel Padilla



Tiyak na magiging masaya at kikiligin ang mga KathNiel fans kung totoo ang balitang pumayag na pareho sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na magsama sa isang pelikula upang magkaroon ng closure ang kanilang paghihiwalay. Kahit na may kani-kanya na silang karelasyon ngayon, tanggap ng KathNiel fans basta makita lamang nilang magkasama ang kanilang mga idolo sa isang movie.


Si Direk Cathy Garcia-Molina raw ang gagawa ng closure movie nina Kathryn at Daniel. Tiyak na mas may puso at magiging personal ang atake ‘pag natuloy ito. Isa kasi siya sa mga labis na nalungkot nang mag-break sina Kathryn at Daniel Padilla. 


At maging ang mga KathNiel fans ay aabangan ang closure movie ng kanilang mga idolo. ‘Yan ay kung hindi rin siguro kokontra ang kani-kanilang partner in life ngayon.





Pambato sa Miss U, wala raw balak ipaayos ang baba… BEA, PROUD NA BABALINA TULAD NI AI AI



May dugo pa ring banyaga at hindi purong Filipina ang bagong Miss Universe Philippines na si Bea Millan-Windorski ng La Union. Mestiza beauty si Bea dahil may lahing American, tulad nina Pia Wurtzbach na half-German at Catriona Gray na half-Australian.


Pero marami ang nagsasabing malaki ang laban ni Bea sa Miss Universe beauty pageant dahil bukod sa maganda ay matalino ito. Lutang na lutang ang kanyang self-confidence at karisma. Ngayon pa lang ay marami na siyang mga fans at supporters.


Gayunman, may ilang bashers ang nagsasabing hindi gaanong maganda si Bea Millan-Windorski. May mga anggulo raw kasi siya na prominent ang kanyang baba. ‘Babalina beauty’ ang tawag sa kanya ng iba.


Pero super proud si Bea Millan sa kanyang mala-Ai Ai delas Alas na baba at wala siyang balak na ipaayos o pabawasan ito dahil minana niya ito sa feature ng kanyang mama at lola. Hindi niya ito kailanman ikinahihiya.





Labis na ikinalulungkot ni Bianca Umalang nalalapit na pagtatapos sa ere ng fantaseryeng Sang’gre. Masyado siyang attached sa kanyang role bilang si Terra na matapang at palaban.


Matibay ang loob ni Terra sa kabila ng mga pinagdaanang laban. May leksiyon na iniwan sa kanya na hindi niya malilimutan. 


Kaya ipinapangako ni Bianca na magiging matatag siya in real life. Babaunin niya at ite-treasure ang mga alaala ni Terra at gusto uli niyang gampanan ang character na ito sakaling magkaroon ng sequel ang Sang’gre.


Samantala, ang ilang mga characters ng Sang’gre ay pinagkalooban ng YouTube (YT) ng Golden at Silver Buttons tulad nina Rhian Ramos, Bianca Umali, Angel Guardian at Kelvin Miranda.


Ang kanilang mga characters na ginagampanan sa Sang’gre ay sinubaybayan ng milyun-milyong mga viewers kaya tumatak ito nang husto. Magpaalam man ito sa ere, aabangan pa rin ng lahat ang sequel nito.





Sobrang mainlab… JANELLA, NASISIRA ANG CAREER DAHIL SA LOVE LIFE



Marami ang labis na nanghihinayang sa oportunidad na pinakawalan ni Janella Salvador sa kanyang career. Maganda ang kanyang pagsisimula noon dahil naging in demand siya kaagad. Bukod sa magaling siyang kumanta ay nakakaaarte pa.


Pero maaga siyang na-in love sa aktor na si Markus Paterson at naging single mom. Naudlot tuloy ang kanyang pagsikat nang husto. Hindi na lead ang role na ibinibigay sa kanya sa pelikula at telebisyon.


Gayunman, hindi ito naging dahilan upang iwanan niya ang showbiz. 


At ngayon ay maligaya si Janella Salvador kahit bigo sa kanyang unang relasyon.

Natagpuan niya kay Klea Pineda ang tunay na pagmamahal at alagang-alaga siya.


Pero payo ng mga netizens ay dapat niyang pagtuunan ng panahon ang kanyang showbiz career upang mabigyan ng magandang future ang kanyang anak.


Kailangang maipakita niya sa lahat na magaling siyang aktres at may puwang pa sa showbiz. 


Maraming magaganda at magagaling na artista ngayon at mahigpit ang kompetisyon. Hindi niya dapat pinababayaan ang kanyang career dahil lang sa in love siya ngayon.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page