top of page

Para sa 30th birthday ng aktres… KATHRYN AT MAYOR MARK, MAGKASAMA RAW SA BANGKOK

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 2 hours ago
  • 3 min read

ni Beth Gelena @Bulgary | March 29, 2026



BULGARY - KATHRYN AT MAYOR MARK, MAGKASAMA RAW SA BANGKOK-IG _markalcala10 & _bernardokath

Photo: IG _markalcala10 & _bernardokath



Magkasama si Kathryn Bernardo at ang rumored boyfriend niyang si Mayor Mark Alcala sa birthday trip umano ng aktres.


Nag-leave pa nga raw sa work si Alcala para samahan ang nobya sa kaarawan nito. Kalat nga raw sa Lucena na missing in action ang kanilang alkalde.


Ang birthday trip ay ginanap ni Kathryn out of the country. March 26 nang ipinagdiwang ng aktres ang kanyang 30th birthday.


May nakakita raw sa dalawang personalidad na magkasama sa airport papuntang Bangkok, Thailand.


Mas lalo pang tumibay ang hinala ng mga netizens nang mai-post ng Public Information Office ng Lucena ang mga larawan mula sa kanilang flag ceremony at pagbibigay ng parangal sa mga nagwaging opisina sa ikatlong taon ng Purple Your Office Contest 2026.


Base sa mga larawan ay tanging ang bise-alkalde na si Dondon Alcala ang present sa event.


So, this is it, pansit?!





Piktyur ng date nila ni Rabiya, kumalat…

JAKE, PROUD NA UMAMING MAY BAGONG GF NA



KILALA ang aktor na si Jake Cuenca na hindi itinatago kapag may nagugustuhan siyang isang babae.


Aniya, hindi siya mahilig itago sa publiko ang taong nililigawan niya.

Sa kasalukuyan ay nasa hot seat si Jake at ang former beauty queen na si Rabiya Mateo. Pareho nang walang commitment sa ibang personalidad ang dalawang celebrities. Kumbaga, single na silang pareho.


Dating karelasyon ni Jake si Chie Filomeno, na ayon sa marami ay iniwanan na ng businessman boyfriend dahil bumalik na ang guy sa dati nitong girlfriend.

Si Rabiya naman ay hiwalay na rin sa Kapuso actor na si Jeric Gonzales. Mutual decision daw ang paghihiwalay nila.


Base sa isang naunang artikulo, kinumpirma ni Jake na may kasalukuyan siyang karelasyon. Gayunpaman, hindi muna niya ibinulgar ang name ng babae. 

Pero may nakakita kay Jake na kasama ang beauty queen na si Rabiya Mateo at sila ay nakuhanan ng larawan na kumalat online.


Kasunod ng mga espekulasyon dahil sa kanilang mga larawan, sinabi niya sa isang panayam na hindi siya ang tipo ng taong itatago ang kanyang nililigawan sa publiko.

Aniya, “‘Di ko naman talaga itinatago. Ayoko ng enerhiyang itinatago mo s’ya. Para sa akin, pakiramdam ko, dapat akong maging proud sa babae. Kung may kasama akong babae kahit pa man nakikipag-date lang ako sa kanya o partner ko, responsibilidad ko siya. Aalagaan ko s’ya sa abot ng aking makakaya.”


Ipinahayag din niya na ayaw niyang itago ang kanyang mga relasyon at kung sino siya sa labas ng trabaho at mas gusto niyang maging tapat at totoo sa kanyang sarili.

Uhmmm, ibig bang sabihin nito ay si Rabiya Mateo na ang ipinalit ng aktor kay Chie Filomeno?





SA kabila ng isyung hiwalay na umano ang mag-asawang Mark Herras at Nicole Donesa, ipinakita nila sa anak nilang si Corky na suportado nila ang edukasyon ng mga bagets.

Magkasamang dumalo sina Mark at Nicole sa preschool graduation ng kanilang anak na nagtapos na may karangalan at nakatanggap din ng parangal na ‘Eager Beaver’.


Ang kanilang pagpapakita nang magkasama ay kasunod ng mga tsismis tungkol sa paghihiwalay nila. Nagmarka ang event na ito ng isang masayang sandali para sa pamilya, lalo na matapos ang mga espekulasyon tungkol sa kanilang relasyon.


Sa Instagram (IG), ibinahagi ni Nicole ang mga larawan mula sa pagtatapos at pinagnilayan ang kanyang pamamaraan sa pagiging magulang.


Aniya, “Kung may isang bagay na sinabi ko sa sarili ko na ‘di ko kailanman gagawin bilang isang magulang, ito ay ang pagpapalaki sa aking mga anak nang may mga academic pressure na kinakaharap ng mga bata sa ating henerasyon araw-araw.”


Ipinahayag din niya kung paano niya hinihikayat ang kanyang anak na masiyahan sa pag-aaral nang hindi lamang nakatuon sa mga marka.


“Inspirasyon ko ang anak ko na matuto sa sarili niyang bilis at ‘wag kailanman magsikap na maging mataas at walang kapintasan ang kanyang mga marka,” wika pa niya.

Binigyang-diin ng celebrity mom ang pagiging kumpiyansa sa sarili at pagtanggap sa pagkakamali kung may dumating man.


Madalas ding paalala ni Nicole sa anak, “Malakas ka. Kaya mo ‘yan, basta ‘wag kang susuko. Laban lang nang laban. You don’t need perfection, you just need to finish.

“And ‘yun na nga, nangyari na ‘yung extra na ‘yun. We’re all so proud of you, Corky.”


Sa ngayon, wala pa ring malinaw na detalye kung totoo ngang hiwalay na ang mag-asaw

ee holder na rin siya. 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page