Para raw sa singer… BF NI ANGELINE, GHINOSTING ANG DATING GF
- BULGAR

- Oct 17, 2020
- 2 min read
ni Julie Bonifacio - @Winner | October 17, 2020

Ipinangalandakan ng singer na si Angeline Quinto ang pananatili niya bilang Kapamilya.
Sa kanyang Instagram account ay ipinost ni Angeline ang piktyur niya habang nasa gitna ng stage ng I Can See Your Voice.
Yes, Jans! Balik-taping na si Angeline sa Kapamilya game show na kinabibilangan niya noon bilang isa sa mga manliligwak sa celebrity contestant.
Of course, si Luis Manzano pa rin ang host ng show!
Caption ni Angeline sa kanyang IG post last Thursday: "@icsyvph Still a Kapamilya."
Makikita naman sa comment section ang name ng IG follower niya na si Kean na ang feeling namin ay walang iba kundi ang kasamahan din niya sa ICSYV at singer ding si Kean Cipriano.
Comment ni Kean, "Miss you!!"
May isang netizen naman ang nag-reply sa comment ni Kean ng ganito, "Hindi ka na po ba kasama sa ICSYV?"
'Di nag-reply si Kean sa tanong ng netizen.
Kasunod ni Kean na nag-comment sa post ni Angeline ay isa rin sa mga kasama nila sa show, walang iba kundi ang rapper na si Andrew E.
Simpleng red heart at smiling face lang ang ipinost na comment ni Andrew. Kaya, 'di tuloy malaman ng netizen kung pati siya ay ka-join pa rin ni Angeline sa ICSYV o waley na rin siya gaya ng komedyanteng si Bayani Agbayani.
Hindi lang namin tiyak kung magbabalik o nagbalik na rin si Alex Gonzaga sa ICSYV. Sila kasi ni Angeline ang dalawa sa original six na taga-ligwak sa show.
Balita kasing tulad ni Bayani, join din si Alex sa noontime show na Lunch Out Loud ng TV5.
Going back to Angeline, sa kanyang IG post kahapon (Friday) ay napakaganda ng piktyur ng Kapamilya singer.
Napansin naman ng celebrity friends and IG followers ni Angeline ang aura niya sa piktyur. Blooming daw si Angeline at iba talaga ang ganda 'pag in love, ayon kay Kaladkaren.
Say naman ng komedyanteng si Neggi, "Grabe ang ganda. Iba talaga 'pag in love (4 heart emojis)."
Ibig kayang sabihin nito ay si Angeline pa rin at 'yung mystery guy na kasama niya sa piktyur habang nasa swimming pool? At ito kaya 'yung guy na ghinosting daw 'yung ex-girlfriend niya na lumantad months ago?
Well, mukhang busy pa si Angeline sa pag-aasikaso sa kanyang Mama Bob na nasa ospital pa rin yata kaya naka-zipper muna ang bibig ng singer-actress sa kanyang love life.





Comments