top of page
BIDA - ANGEL, NI-LIKE ANG PAG-UNFOLLOW DAW SA KANYA NI MARIEL AT KAY ANNE SA IG-FB Angel L

Para raw sa promo ng online gambling… IVANA, BINATIKOS SA PAMIMIGAY NG IPHONE 17, PAGKAIN NA LANG DAW ANG ITULONG

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 1 day ago
  • 2 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | July 19, 2026



TEKA NGA - IVANA, BINATIKOS SA PAMIMIGAY NG IPHONE 17, PAGKAIN NA LANG DAW ANG ITULONG-FB Ivana Alawi

Photo: FB Ivana Alawi



Umani ng iba’t ibang reaction ang pamimigay ni Ivana Alawi ng maraming iPhone 17 sa kanyang mga followers.


May ilang nagsasabi na bahagi lang naman ‘yun ng promo ng isang online gambling at hindi lahat ay binili niya ang nasabing mamahaling cellphone.


Komento naman ng ilang netizens, sana raw, kung gusto talaga ni Ivana na makatulong ay bigas at groceries na lang ang kanyang ipamigay.


May ilang nagsabi rin na dapat ay humanap si Ivana ng mga mahihirap na batang may sakit at tulungan niya sa pagpapagamot. Ikatutuwa pa at ipagpapasalamat ito ng kanyang mga matutulungan.


Well, iba-iba ang paraan ng pagtulong ni Ivana Alawi sa mga lumalapit sa kanya at depende ‘yun sa kanilang pangangailangan.


Noong panahon ng COVID-19 pandemic, halos lahat ng kanyang kinita sa pagba-vlog ay kanyang itinulong sa mga taong nangangailangan. Namahagi siya ng bigas, groceries, cash, atbp..


Hanggang ngayon ay patuloy na namamahagi si Ivana ng kanyang blessings at wala siyang hinihinging kapalit.





SA kabila ng sinasabi ng ilang netizens na red flag si Zoren Legaspi at nagtataka ang marami kung bakit pinili siya ni Carmina Villaroel na pakasalan, dedma ang aktres.


Katwiran niya, walang alam ang mga bashers kung ano talaga ang ugali at katauhan ni Zoren off-camera.


Ilang taon na ang kanilang pinagsamahan. Dalaga at binata na ang mga anak nilang sina Cassy at Mavy.


Hindi naman magpapakamartir ang aktres na magtagal sa kanilang pagsasama kung red flag ang mister niya.


At kahit na gaano pa niya kamahal si Zoren, kung hindi siya naging mabuting asawa at ama, hindi titiisin ni Carmina ang lahat.


Noon nga raw nanliligaw pa lang ang aktor sa kanya, may mga signs siyang hiniling upang malaman kung si Zoren na ang kanyang ‘Mr. Right’. Isa sa mga signs ay kung kusang bibitbitin ni Zoren ang kanyang handbag kapag sila ay magde-date.


Hiniling din ni Carmina na sana lahat ng katangian ng kanyang ama na kalmado lang lagi at mapagmahal sa pamilya ay taglay ni Zoren.


At mukhang natupad naman kaya tumagal ang kanilang pagsasama.





FLATTERED si Golden Cañedo kapag sinasabi ng mga fans na kamukha niya ang Pop Royalty na si Sarah Geronimo. 


Hindi pa siya sumasali noon sa mga singing competitions ay idolo na niya ito kaya nagsikap si Golden upang magkaroon ng pagkakataon na mapansin ang kanyang galing sa pagkanta. 


Pinag-aralan niya ang mga kanta ni Sarah. Ang pagwawagi niya noon sa The Clash Season 1 ang nagbigay sa kanya ng break upang mag-level-up ang kanyang pagiging singer. 


Inihahanda na ng GMA-7 ang pagbi-build-up sa kanyang career.


Ganunpaman, naudlot ang pangarap ni Golden na maging katulad ni Sarah. Nagdesisyon ang kanyang parents na bumalik sila sa Cebu at magpatuloy siya ng pag-aaral. Nagtapos siya ng kursong Nursing.


At ngayon ay binalikan muli ni Golden ang kanyang singing career. Napasok agad siya sa All-Out Sundays (AOS) ng GMA Network. Nasama rin siya sa seryeng Born to Shine (BTS). Mahahasang muli ang magandang boses niya sa mga shows.


Samantala, maganda ang feedback ng mga viewers sa segment ng AOS na Sing My Song. Ilan sa mga singers na ginaya ay sina Vina Morales at Jessa Zaragoza.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page