Para raw sa nanay nila ng utol na si Jak… SANYA, PROUD NA MAY DREAM HOUSE NA
- BULGAR

- Aug 22, 2020
- 1 min read
ni Nitz Miralles - @Bida | August 22, 2020

Natupad na ang dream ni Sanya Lopez na magkaroon ng sariling bahay at sa kanyang post, nasa balkonahe siya sa second floor, may hawak na balloon. Hindi na kailangan ng caption, tama na ang maganda niyang ngiti.
Happy para kay Sanya ang mga kapwa Kapuso stars na alam na matagal na nilang pangarap ng kapatid na si Jak Roberto na magkaroon ng sariling bahay para na rin sa mom nila.
Kabilang sa mga nag-congratulate kay Sanya sina Glaiza de Castro, Gabbi Garcia, Benj Alves, Lovely Abella, Maricris Garcia, Pancho Magno, Maey Bautista, Ashley Ortega, Directors Mark Reyes and Rico Gutierrez, at Cong. Alfred Vargas.
Maganda ang bahay at siguro naman, makakasama ni Sanya si Jak at ang kanilang napakaraming fur babies. Hindi na sinabi kung saan ang location ng bahay ni Sanya na tiyak, magbibigay sa kanya ng inspirasyon to work harder.
Si Sanya ay napapanood sa rerun ng Encantadia bilang kapareha ni Rocco Nacino. Makakasama rin siya ni Sen. Bong Revilla, Jr. sa TV show ng senador sa GMA-7.





Comments