top of page
Pokwang.jpg

Para patayuan ng dream house nila…

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 19, 2020
1 min read

ALEX, SISING-SISI NA IPINA-DEMOLISH PA ANG BAHAY NA GIFT NG PARENTS NG BF

ni Nitz Miralles - @Bida | December 19, 2020




Ang ganda ni Alex Gonzaga na suot ang iba’t ibang wedding gowns ng La Grace. Inakala tuloy na photo shoot na niya ‘yun para sa wedding nila ni Mikee Morada. Pero, kinuha lang pala siyang model for the beautiful gowns.


Sari-saring comments ang aming nabasa at ang pinakakuwela, ulitin daw ni Alex ang photo shoot, ‘yung hindi siya pagod at hindi nakasimangot para mas maganda pa lalabas ang kanyang pictorial. Sa tingin naman namin, tama lang ang kanyang mood sa mga isinuot na gown.


Anyway, habang hindi pa ikinakasal, naka-focus muna sina Alex at Mikee sa pagpapatayo sa kanilang future home na sabi ng mga netizens, nasa Makati area raw at regalo ng parents ni Mikee sa kanila ni Alex.


Aliw lang na sa latest vlog about the house, parang may pagsisisi si Alex na ipina-demolish pa ang dating bahay na nakatayo sa location ng magiging bahay nila ng future husband. Nakakatawa rin ang sinabi nitong sana, hindi sila umabot sa pagbebenta ng laman-loob para matapos ang ipinatatayong bahay.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page