top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Para match… IT'S SHOWTIME, PALIT SA TAHANANG PINAKAMASAYA VS. EAT BULAGA

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 15, 2024
2 min read

ni Rensel Sabando - Trainee @Entertainment | March 15, 2024




Kalat ngayon sa X (dating Twitter) ang tungkol sa ipapalit sa nag-goodbye na Tahanang Pinakamasaya sa main channel, which is ang GMA-7.


Ayon sa isang report na ibinalita ay magkakatotoo na ang sinasabi ng mga netizens na Madlang Kapuso collaboration dahil ang ipapalit dito ay It’s Showtime.


Ipinost ng isang source na inihahanda na ng GMA-7 sa darating na ‘Mahal Na Araw’ ang ipapalit sa noontime slot since natsugi na nga ang Tahanang Pinakamasaya kamakailan.


Pina-finalize raw as of now ng GMA at ABS-CBN ang mga detalye bago nila i-announce ang malaking balita para sa mga netizens.


Comment nga ng isang netizen, “Sana sa true ito.”


Reply naman ng isang fans na panig sa TVJ, “Humahanap lang sila ng babagay na katapat ng longest-running noontime show na Eat..Bulaga! Hehhe.”


Bigla naman may nag-comment ng ganito, “Hmm. As a Kapuso medyo ‘di ako comfy dito. Ok na sa GTV pero sa main channel? The hosts, staff are all solid Kapamilya. UNLESS, the show will now be a co-production (50-50) between GMA & ABS-CBN which officially makes the hosts half Kapuso and half Kapamilya, LOL (Laugh Out Loud).”


Anyway, ‘di naman lingid sa ating kaalaman na sa GTV umeere ang It’s Showtime dati ngunit simula nang tanggihan nila ang offer ng TV5 na malipat ang kanilang slot sa 4:30 PM telecast para mabigyan ng pagkakataon ang new show nina Tito, Vic at Joey na Eat..Bulaga!


Sa ngayon, ipinapalabas ng GMA-7 ang mga Filipino movies sa noontime slot na binakante ng TAPE Inc. Pero, wala pa namang opisyal na inilalabas ang dalawang partido patungkol sa kumakalat na magaganap na ang nais ng mga Kapamilya fans.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page