top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Para maraming manood… DANIEL, BAGSAK-PRESYO ANG TIKET SA CONCERT

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 30, 2020
  • 2 min read

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | September 30, 2020



Abalang-abala na raw ngayon si Daniel Padilla sa paghahanda para sa kanyang unang digital concert na Apollo: A Daniel Padilla Digital Experience na gaganapin sa Oct. 11.


Ayon sa kanyang inang si Karla Estrada sa episode ng Magandang Buhay kahapon, excited na raw si Daniel at talagang hands-on nga ito sa preparasyon.


“Sobrang busy sila. Of course, si Daniel, knowing him, masyadong ano 'yun, mabusisi. At saka ang mga kanta niya, siya ang namimili at kung maaari, siya na lang lahat,” natatawang sabi ni Karla.


“Kasama d'yan ang kanyang Johnny Moonlight Production, ang galing nila. Alam mo, iba na ang utak ng mga kabataan talaga,” dagdag pa ni Momshie Karla.


Masaya rin si Karla na kahit may pandemic ay tuluy-tuloy pa rin ang blessing kay DJ at nagagawa pa rin nito ang mga gustong gawin.


“Alam mo, deserve kasi talaga ni DJ. Ang dami pa niyang hindi nagagawa. At least, sa gitna ng pandemya ay nagagawa pa rin nating magpasaya," ani Karla.


Kuwento pa ng TV host, si Daniel daw mismo ang nagdesisyon na babaan lang ang presyo ng ticket para mas maraming makapanood.


"Sobrang mura ng ticket at siya rin ang nag-decide niyan, na sabi niya ‘Murahan n’yo lang para marami talagang makapanood.’


“Maganda itong ideya na ito kasi kung sa bahay ka lang habang nagre-relax kayong family mo, makakapanood na kayong lahat. Pati lahat ng mga kasambahay na gustong manood ng concert ni Daniel, chance na ito. So, marami talaga ang mapapasaya,” sey ni Momshie Karla.


Bukod dito ay masaya rin daw siya na napakaraming projects na nakaabang sa KathNiel at may pasabog pa raw pero hindi niya puwedeng i-share.


Naurirat din si Karla ng mga co-hosts na sina Jolina Magdangal and Melai Cantiveros kung ano ba ang meaning ng ipinost nila ni Min Bernardo (nanay ni Kathryn Bernardo) na tila naghi-hint ng kasal.


“Ang dami talagang naiintriga diyan, pero kasi, I’m sorry, I’m sorry, I’m sorry, mga momshies, popshies, anakshies, kasi hindi ko talaga puwedeng i-reveal ‘yan kasi ‘yan naman ay para rin sa inyong kaligayahan.


“But of course, 'pag magtiyaga ka, liligaya ka, kaya tiyagain n’yong hintayin kung ano ‘yan,” sabi ni Karla.


Kilig na kilig naman sina Jolens at Melai sa sinabi ni Karla.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page