top of page

Para maiwasan ang PAO vs. PAO.. Mga abogado, tutulong sa pagbuo ng IRR ng Free Legal Assistance Law

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 12, 2023
  • 1 min read

ni Madel Moratillo | May 12, 2023




Para maiwasan ang PAO vs. PAO scenario sa hinaharap dahil sa Proposed Code of Professional Responsibility and Accountability, dapat umanong umaksyon na ang Korte Suprema.


Ito ang panawagan ng Public Attorney's Office sa pangunguna ng kanilang hepe na si Atty. Persida Rueda-Acosta sa gitna ng nakatakdang implementasyon ng nasabing code, kung saan kinukwestyon nila ang isang probisyon nito.


Sa isang pulong balitaan, sinabi ni Acosta na kung tutuusin, wala na sanang problema dahil matagal na itong nasolusyunan ng Kongreso.


Ayon kay Acosta, noong 2007 ay ipinasa ng Kongreso at inaprubahan ni noon ay Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang Free Legal Assistance Act.


Ito aniya ang sasagot sa mga conflict cases at maiiwasan ang PAO vs. PAO scenario sa mga korte.


Nitong nakaraang taon, 2022, naglabas aniya ng Implementing Rules and Regulations ang Bureau of Internal Revenue at Department of Finance para bigyan ng 10 percent rebate deduction ang mga pribadong abogado na hahawak ng kaso na may conflict interest at hindi mahawakan ng PAO.


Apela naman ni Dr. Erwin Erfe ng PAO, dapat maglabas din ng IRR ang Korte Suprema kaugnay ng Free Legal Assistance Law.


Pangako naman ni Acosta, buong pwersa ng PAO ay handang tumulong para sa pagbuo ng IRR at masolusyunan ang isyu sa conflict of interest cases.


Sa pamamagitan naman nito ay maiiwasan din aniya na manganib naman ang buhay ng public attorneys dahil sa paghawak maging ng katunggaling kaso sa halip na ipagtanggol ang naunang kliyente.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page