Reklamo vs Revilla, finile para mang-harass, mang-abala — legal counsel
- BULGAR

- 1 day ago
- 1 min read
by Info @News | January 6, 2026

Photo File: Ramon Bong Revilla Jr. / FB
Iginiit ng kampo ni dating Senator Bong Revilla na walang basehan ang mga reklamong isinasampa laban dito kaugnay ng flood control anomalies.
Sinabi ito ng legal counsel ni Revilla na si Atty. Franchesca Señga kasunod ng paghahain nila ng counter-affidavit matapos sampahan ang dating senador ng reklamo ng National Bureau of Investigation (NBI).
“Sa totoo lang, ‘yung mga ganitong complaint, ayon sa batas at sa rules ng evidence, hindi ito dapat paniwalaan. Hindi ito dapat pakinggan dahil ito ay walang bigat at walang halaga,” ani Señga.








Comments