top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Para magkaroon daw sila ng boses sa lipunan.. DINGDONG, NAGTAYO NG ASOSASYON NG MGA ARTISTA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 3, 2020
  • 1 min read

ni Julie Bonifacio - @Winner | July 3, 2020




Inihayag ni Angelica Panganiban ang pag-anib niya sa bagong lunsad na samahan ng mga artista sa pelikula at telebisyon, ang AKTOR (League of Filipino Actors).


Sa kanyang latest Instagram post, makikita ang malalaking titik ng pangalan ng kanilang bagong samahan. Kasunod nito ay paliwanag naman kung ano ang layunin ng samahan, kung bakit itinatag at kailan nabuo.


At ang pinakahuling piktyur ay naglalaman ng listahan ng mga pangalang kaanib sa AKTOR.


Sa ibaba nito ang caption ni Angelica sa kanyang post, "Kami ay ang #AKTORPH League of Filipino actors."


Ang Kapuso actor na si Dingdong Dantes ang tumatayong pinuno ng liga. Naitatag ang AKTOR nito lang Mayo 30.


Bukod kay Angelica, ang iba pang miyembro ng AKTOR ay sina Agot Isidro, Andoy Ranay, Angeli Bayani, Carlo Gonzalez, Cherry Pie Picache, DMs Boongaling, Gabbi Garcia, Gabby Eigenmann, Gabby Padilla, Gio Alvarez, Glaiza de Castro, Iza Calzado, Janine Gutierrez, Jasmine Curtis-Smith, Joel Lamangan, Joel Saracho, Joel Torre, Joem Bascon, Jojit Lorenzo, Ketchup Eusebio, Khalil Ramos, Lauren Young, Marlon Rivera, Meryll Soriano, Michael de Mesa, Mikoy Morales, Richard Gutierrez at Yan Yuzon.


Ang kasamahan ni Angelica sa AKTOR na si Iza ay nag-comment sa post niya ng… "MABUHAY!!!!!"


Napakaraming clapping hands emoji naman ang comment-post ng Kapamilya director na si Antoinette Jadaone.


Base sa mga comments ng mga netizens, suportado nila ang bagong samahan na itinayo ng mga artista.


Pero siyempre, 'di naman mawawala ang basher sa IG account ni Angelica.

Sabi nito, "Actress ka talaga kaya dami n'yong fans na nauuyo (read: nauuto)."

Wow, hah? Palaban talaga si Angelica!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page