Para maging Big Winner… ALYSSA, TULOY ANG LABAN SA PBB KAHIT MAY COVID
ni Julie Bonifacio - @Winner | January 09, 2022

Dagsa pa rin ang nagpo-post ng ‘get-well’ soon message sa dating Ateneo volleyball player na si Alyssa Valdez. Nag-aalala rin sila kung paano na ang “laban” niya sa Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10-Celebrity Edition.
Sina Alyssa at Anji Salvacion ang top two winners sa unang edisyon ng PBB for this season. At dahil d’yan, they are officially part of Kumunity Season’s eventual final six, which will be joined in by other top two winners from said season’s Adult and Teen Editions.
Pero dahil sa hindi inaasahang pangyayari, may mga tanong ang kanyang mga fans/followers kung ano ang estado niya sa PBB house.
Ayon sa aming source, tuloy pa rin si Alyssa to compete sa mga susunod na editions ng PBB Kumunity Season.
Lalaban siya sa finals along with the Top 2 ng Adult at Teen Edition.
By the time na maglaban-laban na ang mga big winners mula sa tatlong edisyon ng PBB this year, super okay na si Alyssa.
For sure, before the month ends ay magaling na siya kasama na ang isolation period niya.





Comments