Para kay P-Duterte, bad si Sis. Patricia Fox at good si Yang Hong Ming, aka Michael Yang
ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | September 19, 2021
SIS. PATRICIA FOX, IPINAHULI AT IPINA-DEPORT; MICHAEL YANG, BENIBEYBI AT IPINAGTATANGGOL NI P-DUTERTE—Ang taga-Australia na madre na si Sis. Patricia Fox ay dumating sa Pilipinas noong 1990 na ang misyon ay kumalinga sa mga maralita, at ng punahin niya ang human rights violation ng Duterte gov’t ay ikinagalit ito ng pangulo, na masama ang ginagawa nitong pakikialam sa pulitika sa bansa kaya’t ipinahuli at ipina-deport ito.
Si Yang Hong Ming aka Michael Yang ay dumating sa Pilipinas noong 2004, nagnegosyo sa Davao City, naging BFF ni P-Duterte at sa panahon ng Duterte gov’t. isinangkot siya ni former anti-drug operative Col. Eduardo Acierto sa ilegal na droga, nasangkot sa POGO (Philippine Offshore Gaming Operators) at korupsiyon sa pagbili ng mga overpriced na facemask, face shield at PPEs (Personal Protective Equipments), pero imbes na magalit ang pangulo ay benibeybi at ipinagtatanggol pa ito na kesyo mabuting tao raw ito.
Mantakin n’yo, ang madre na gumagawa ng mabuti sa kapwa ay para kay P-Duterte ay bad, at ang Chinese national na gumagawa ng mga kawalanghiyaan sa Pilipinas, ay good daw, boom!
◘◘◘
MGA DDS, NAGSIPAG-LIKE REACT NANG IPA-DEPORT SI SIS. PATRICIA FOX AT NAGSIPAG-LOVE REACT NANG IPAGTANGGOL NI P-DUTERTE SI MICHAEL YANG—Nang ipa-deport ni P-Duterte si Sis. Patricia, nagbunyi ang mga DDS, bumaha ng likes reactions sa social media at nang ipagtanggol ng pangulo si Michael Yang ay nagbunyi rin ang mga DDS, bumaha rin ang love reactions ng mga DDS sa social media.
Kita n’yo ano’ng mentalidad meron ang mga DDS, eh, parang walang sariling pag-iisip kasi kung ano ang ayaw ni P-Duterte, ayaw din nila at kung ano ang gusto ng pangulo ay gusto rin nila, tsk-tsk-tsk!
◘◘◘
SINO KAYA ANG TINUTUKOY NI JOHN ARCILLA NA FEELING HARI, FEELING AMO?—Sa kanyang speech matapos magwagi ng best actor sa Venice Film Festival, ang sabi ni John Arcilla na ang nakaupo ay dapat tagapaglingkod sa mamamayan at hindi hari at amo.
Sino kaya pinatutungkulan ni Arcilla na lider na feeling hari at feeling amo? Hmmm…
◘◘◘
NANG IAPRUB NI NOYNOY NA MAGING PART NG ICC ANG PILIPINAS AY NAG-THANK YOU SI ROQUE, PERO NGAYON AY TINATARAY-TARAYAN NA NIYA ANG ICC—Nang iaprub ng Aquino gov’t. noong 2011 na maging bahagi ng Rome Statute ang Pilipinas para mapasailalim sa International Criminal Court (ICC) ay isa sa mga “nag-thank you” kay former Pres. Noynoy Aquino ay ang nagpapakilalang human rights lawyer noon na si Harry Roque, pero nang maging spokesman na siya ni P-Duterte at masampahan ng kasong crimes against humanity ang presidente, panay ang talak ni Roque na wala raw “K” ang ICC na manghimasok sa soberanya ng Pilipinas.
Ganyan ka-ipokrito pagkatao ni Roque, na noong wala pa siyang power sa Malacañnang ay pro-ICC siya, pero nang magkaroon ng kapangyarihan sa Duterte gov't. tinataray-tarayan na ang ICC, pwe!





Comments