Para kasing pang-bgy. chairman tinatakbuhan ni Lacson kaya ni-reject siya ni Alvarez
- BULGAR
- Mar 26, 2022
- 2 min read
at sumanib kay Leni
ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | March 26, 2022
SA PARTIDO REPORMA, LACSON OUT, LENI IN! — Ibinasura na ng Partido Reporma ni Davao del Norte Rep. Pantaleon Alvarez ang kandidatura for president ng pambato nilang si presidential candidate, Sen. Ping Lacson at nagpahayag na si presidential candidate, Vice Pres. Leni Robredo na ang kanilang susuportahan sa presidential election.
Ang dahilan ni Alvarez, malamya raw ang arrive ng kampanya ni Lacson kaya ang partido nila ay kay VP Leni na tumaya, period!
◘◘◘
MAY PUNTO SI ALVAREZ NA IBASURA SI LACSON KASI PARANG PANG-BGY. CHAIRMAN ANG STYLE NG KAMPANYA NITO — May punto naman talaga si Alvarez na i-reject ng kanilang partido si Lacson dahil sa sobrang lamya ng kampanya ng senador, parang hindi pang-presidente ang tinatakbuhan nito.
Kita naman kasi sa mga post sa social media ng Team Ping Lacson-Tito Sotto ay mistulang mga mini-caucus lang sa mga tumatakbong barangay chairman ang style ng kanilang kampanya, kaya sa buwisit ni Alvarez, ibinasura na nito si Ping, at nag-Leni na, boom!
◘◘◘
DAHIL WALA NG PARTIDO, DAPAT UMATRAS NA SA LABAN FOR PRESIDENT SI LACSON — Dahil wala ng partido, tiyak lalong hihina ang kandidatura ni Lacson.
At dahil wala na talaga siyang pag-asang magwagi sa presidential election, ang pinakamainam na gawin ni Lacson ay umatras na lang siya sa laban, kasi sa totoo lang, wala nang patutunguhan ang laban niya for president, period!
◘◘◘
DAPAT PAG-ISIPAN NI BBM KUNG DAPAT PA NIYANG HINGIN ANG SUPORTA NI P-DUTERTE — Kinukumbinsi ni Presidential Adviser Jacinto Paras si P-Duterte na iendorso na nito ang kandidatura for president ni former Sen. Bongbong Marcos dahil tanging ito lang daw ang presidential candidate na makapagliligtas sa mga kasong maaaring isampa kapag wala na siya sa Malacañang.
Sa totoo lang, ang tema ng salitang ‘yan ni Paras ay hindi maganda sa pandinig ng publiko, kaya't dapat pag-isipan ni BBM (Bongbong Marcos) kung dapat pa niyang hingin ang suporta ni P-Duterte.
Lumabas kasi na kaya lang susuportahan ni P-Duterte si BBM ay para kapag ito ang naging presidente ay maproteksyunan siya sa mga kaso, na malinaw na pangsariling interes lang, hindi para sa interes ng bayan at mamamayan, boom!





Comments