top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Para iwas-smuggling… K-9 units, todo-bantay sa Bilibid Prison — BuCor

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 14, 2022
2 min read

ni Lolet Abania | November 14, 2022



Nag-deploy na ang Bureau of Corrections (BuCor) ng K-9 units sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City ngayong Lunes, na layong mapigilan ang pagpupuslit ng kontrabando sa national penitentiary.


Kabilang sa naturang units, ang 15 maliliit na breed dogs na kayang amuyin ang mga ilegal na droga at cellphones, at 15 malalaking breed dogs na trained naman para humanap ng mga bomba at explosives.


Ang paglalagay ng mga K-9 units o police dogs ay bahagi ng pagreporma ni BuCor acting director general Gregorio Catapang Jr. sa NBP.


Ginawa ito ng BuCor matapos silang makakumpiska ng ilang 7,500 cans ng beer at iba pang smuggled na kontrabando gaya ng cellphones, laptops, chargers bladed weapons at ilegal na droga sa loob ng NBP nito lamang buwan.


Sa isang press conference, iprinisinta rin ni Catapang ang iba’t ibang teknolohiya na makatutulong para maharang ang mga ilegal na bagay at maiwasan ng mga prison personnel na makipagsabwatan sa mga inmates. Kabilang dito ang mga metal detectors at scanners, signal jammers at mga CCTV cameras.



Marami rin mga kawani ang bibigyan ng mga cellphones na may multi-layered security system para ma-monitor ang kanilang mga galaw habang nasa loob ng penitentiary, na ayon kay Catapang, “guarding the guards.”


Samantala, sinabi ni Catapang na nasa 12 personnel mula sa BuCor at 3 mula sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang iniimbestigahan na matapos na sila ay matukoy na nakabilang sa mga nasa likod ng pagpapapasok umano ng kontrabando sa NBP.


Binanggit naman ni Catapang na nag-iimbestiga na rin ang BuCor tungkol sa lagusan o tunnel na natagpuan sa ibaba ng isang swimming pool sa quarters ng director. Aniya, ang naturang tunnel ay nasa 20 metro ang lalim habang nasa 300 by 300 metro ang lawak nito.


Humingi na rin ang BuCor ng tulong sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) para sa kanilang pagsisiyasat hinggil sa insidente.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page