Para iwas-5-6... Mababang interes na pautang para sa maliliit na negosyante – Cayetano

ni Zel Fernandez | April 25, 2022

Isinusulong ni dating House Speaker Alan Peter Cayetano na magkaroon ng mas mababang interes ang mga pautang sa mga micro, small, and medium enterprises (MSMEs) sa bansa.
Mungkahi ni Cayetano, dahil ang sektor ng MSMEs ang bumubuo ng 60 porsiyento ng halos lahat ng kabuhayan sa bansa, mahalaga aniya na maibigay ang isang makatwirang pautang para sa mga maliliit na negosyanteng Pinoy.
Kaugnay ito ng konsepto na ang mga mayayaman umano ay palaging mayroong matatakbuhan na mauutangan, tulad halimbawa ng mga stocks, bonds, at bangko habang ang mga ordinaryong mamamayan na may maliliit na negosyo ay napipilitang kumapit sa mga pautang na mataas ang interes o "5-6".
Sa suhestiyon ng Taguig-Pateros solon, layuning magkaroon ng loan program para sa mga MSMEs na may mababang interes, na maaaring bayaran sa loob ng lima hanggang 10 taon at may isang taong palugit ang pagbabayad o grace period.





Comments