top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Para guminhawa ang buhay ng mga pinoy, tanggalin ang confi funds at pork barrel

BULGAR
Oct 1, 2022
2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | October 1, 2022


APRUB ANG DAGDAG-P100-B PONDO KAY VP SARA, PERO ANG P8-B BUDGET SA BGY. AT SK ELECTIONS, PINANGHIHINAYANGAN KAYA IPO-POSTPONE NA LANG?—Bukod sa nakalululang P710-B budget ng Department of Education at P2.3-B budget ng Office of the Vice-President, plus P500 milyong confidential fund sa OVP at P150-M confidential fund sa DepEd ay humihirit pa si VP, DepEd Sec. Sara Duterte-Carpio ng karagdagang P100-B para sa DepEd at tila ang hinihingi niyang ito ay ibibigay ng mga mambabatas.


Mantakin n'yo, ang P100-B dagdag-pondo sa opisina ni VP Sara ay hindi pinanghihinayangan ng mga mambabatas na ibigay, pero ang P8-B budget para sa halalang pambarangay ay pinanghihinayangang gastusin ng mga mambabatas, kaya gusto nilang i-postpone ang barangay at SK (Sangguniang Kabataan) elections na nakatakda sanang ganapin sa Dec. 5, 2022.


◘◘◘


P-BBM, APRUB NA MANGUTANG SA IBANG BANSA—Sinertipikahan na ni Pres. Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. bilang urgent bill ang P5.268 trilyong national budget para sa 2023.


Dahil ang malilikom lang ng gobyerno na tax sa mamamayan ay nasa higit P3.633 trilyon, ayon sa mga kongresista ay kailangang mangutang ang Pilipinas sa mga financial institution sa mundo ng mahigit P2.207 trilyon para makumpleto ang P5.268 trilyon na gusto ng Marcos administration para sa 2023.


◘◘◘


MARAMI PA RING PINOY ANG NAGUGUTOM KAHIT TRILYONES NA ANG BUDGET NG GOBYERNO—Last year, ang inaprub ni ex-P-Duterte na budget para sa 2022 ay P5.024 trilyon at sa magkasunod na survey na inanunsyo ng SWS noong Agosto 2022 ay halos kalahati (48%) ng pamilyang Pinoy ay nanatiling mahirap, sa survey din nitong Setyembre 2022, 31% ng pamilyang Pilipino ang mas lumalala ang kahirapan sa buhay, pero kung titingnan natin ang kabuhayan ng mga pulitiko, lalo na 'yung mga galing sa political dynasty ay napakarangya naman ng kanilang pamumuhay.


Ang nakikita nating dahilan kaya marangya ang pamumuhay ng mga politicians ay dahil sa yearly national budget ng pamahalaan, nakapaloob palagi riyan ang confidential funds at pork barrel ng mga politicians.


◘◘◘


TANGGALIN LANG ANG CONFIDENTIAL FUNDS AT PORK BARREL, GIGINHAWA NA ANG BUHAY PILIPINO—Magkaroon lang ng pangulo ang Pilipinas na magtatanggal sa confidential funds at pork barrel ng mga pulitiko, tiyak na giginhawa ang pamumuhay ng mayoryang Pinoy.


Dapat tandaan ng mamamayan na hangga't may confidentials funds at pork barrel ang mga politicians, huwag umasang gaganda pa ang pamumuhay ng mayoryang Pilipino.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page