top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

PAOwer at Generals, nakauna sa Game 1 ng NBL best-of-3 semis

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 16, 2022
2 min read

ni Anthony E. Servinio - @Sports | December 16, 2022



Napili ng La Union PAOwer ang perpektong panahon upang wakasan ang perpektong kartada ng defending champion Pampanga Delta, 104-95, sa pagsimula ng kanilang seryeng best-of-three sa semifinals ng 2022 National Basketball League (NBL) Chairman’s Cup sa Bren Z. Guiao Convention Center Miyerkules ng gabi.


Sa kabilang serye, nakauna ang Taguig Generals sa DF Bulacan Republicans, 88-79. Walang koponan ang lumamang ng higit 5 puntos sa unang tatlong quarter. Naka-shoot si Billy Ray Boado at sinundan ng three-point play ni Jap Pambid biglang lumamang ang PAOwer ng anim, 87-81, at inalagaan nila ito sa nalalabing 8 minuto.


Parehong nagtala ng 24 puntos sina Boado at Best Player King Gurtiza na nangako na tatapusin na ng La Union ang serye sa Game 2 ngayong Linggo sa Hagonoy Sports Center ng Taguig. Dumagdag ng 18 puntos si Pambid at itinapal ang unang talo ng Delta sa 9 na laro.


Dominado ng Taguig ang Bulacan na nasira ang diskarte sa biglang pag-upo ni Gabe Capacio na nasugatan ang kanang kilay sa first quarter. Kinuha ng Generals ang pagkakataon na dominahin ang Republicans at sumandal kay Best Player Dan Anthony Natividad at Edzel Galoy na itayo ang 76-63 lamang sa huling 8 minuto.


Nagtapos si Natividad na may 19 puntos at 12 rebound. Sumunod sina Galoy at Lerry John Mayo na parehong may 12 puntos habang humakot din ng 12 rebound si Mayo.


Gagamitin na ng Generals ang pagkakataon na walisin ang Bulacan sa Game 2 sa kanilang tahanan. Ito ang pagbabalik ng NBL sa Taguig matapos huling maglaro sa President’s Cup noong Enero, 2020. Samantala, nakahanda na ang lahat para sa pagbukas ng 2023 NBL Youth First Conference sa Enero.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page