PAOLO, PALABAN PARA SA TAPE, INC., BIGLANG TAMEME NANG MATALO SA EAT BULAGA!
ni Ambet Nabus @Let's See | January 9, 2024

Boom na boom kay Paolo Contis ang mga nega bashing ngayong sumunod na ang TAPE, Inc. sa naging utos ng korte na bawal nang gamitin ng production company ang EAT… Bulaga!, EB! at iba pang may kaugnayan sa titulo.
Muli ngang kinatigan ng korte ang TVJ sa kasong copyright infringement kaya pinagbabawalan na ang TAPE at ang GMA-7 na magamit ang Eat… Bulaga! at ang TVJ ang rightful owners nito.
Dahil si Paolo Contis ang nagmistulang spokesperson ng TAPE at nagmatapang sa pagbibigay ng saloobin o panig ng kumpanya nu'ng mga time na lumalaban pa sila, biglang nag-boomerang sa aktor-host ang mga nega bashing.
Paulit-ulit naming napapanood ang mapangahas na opinyon ni Paolo na mahabang laban pa umano ang kanilang papasukin kaya't huwag daw umasang tapos na ang mga usapin sa kaso ng TVJ versus TAPE.
Tameme, walang nasabi o hindi na umimik si Paolo nu'ng bigla na lang mapanood ng sambayanan na ang bagong title, theme song at ilang segment ng TAPE, Inc. show ay naging Tahanang Pinakamasaya na.
Although, sa usaping legal nga raw po ay posible pang umapela ang TAPE, Inc.





Comments